Korte ibinasura ang kasong ‘indirect contempt’ vs De Lima, abogado
- Published on May 28, 2022
- by @peoplesbalita
IBINASURA na ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 206 ang “indirect contempt” civil case laban sa nakakulong na si Sen. Leila de Lima at abogadong si Filibon Tacardon, bagay na isinampa dahil sa ilang pahayag sa media ng ikalawa.
Disyembre 2020 nang maghain ng kasong indirect contempt laban sa dalawa matapos sabihin ni Tacardon na inabswelto ng mga opisyal ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Anti-Money Laundering Council (AMLC) si De Lima mula sa drug charges.
Sinabi rin ni Tacardon noon sa media na inamin ng isang drug lord sa witness stand na hindi niya pa nakakasalamuha si De Lima. Dinamay si De Lima sa kaso dahil sa pagpayag kay Tacardon na sabhin ang mga nabanggit.
Una nang sinabi ng mga prosecutor na paglabag ang mga pahayag sa “subjudice rule” na pumipigil sa mga partidong pag-usapan sa publiko ang mga merito ng nakabinbing kaso para mapigilan ang kalalabasan ng kaso. Contemptuous din ang mga “unreasonable” comments sa kondukta ng korte kaugnay ng kaso.
“The Court deciphered the comments and the utterances of respondent Atty. Tacardon to the various media outlets and find nothing therein that would create a ‘clear and present danger’ to the administration of justice,'” wika ng desisyong nilagdaan ni Presiding Judge Gener Gito na isinapubliko, Biyernes.
“What respondent Atty. Tacardon reported are the answers of the prosecution witnesses during their cross-examination. Respondent Atty. Tacardon reported the admissions made by those witnesses.”
“WHEREFORE, in view of the foregoing, the petition to cide respondents Sen. Leila de Lima and Atty. Filibon F. Tacardon for indirect contempt is DISMISSED for lack of merit. Consequently, all other pending incidents are rendered MOOT and ACADEMIC.”
Lumabas ang desisyon matapos bawiin ng confessed drug lord na si Kerwin Espinosa at key witness na si Rafael Ragos ang kanilang mga testimonyang nagdidiin kay De Lima kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga. Aniya, humarap sila sa pagbabanta at pamimilit ng mga pulis atbp. otoridad kaya idiniin noon si De Lima.
Mayo lang din nang tumestigo ang dating bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan na walang nangyaring pagpapadala ng drug money na nangyari sa bahay nina De Lima. Ni-recant din ni Dayan ang nauna niyang testimonya sa Kamara noong 2016 na tumanggap siya ng drug money mula kay Espinosa.
Matatandaang ibinasura ng korte ang isang drug case ni De Lima noong 2021, habang may natitira pa ring dalawa pa.
Martes lang nang sabihin ng susunod na kalihim ng Department of Justice na si Cavite Rep. Boying Remulla na bukas siyang i-review ang mga kaso laban sa nakapiit na opposition senator. (Daris Jose)
-
#SimRegistration No. 1 trending habang kaliwa’t kanan pagpalya sa unang araw
NUMERO unong nag-trend sa social networking site na Twitter ang #SimRegistration sa unang araw ng pagpaparehistro ng mga subscriber identity module (SIM) card dahil sa bagong batas — kaso, reklamo ang tatambad sa’yo oras na i-check ang hashtag. Simula Dec 27, meron na lang 180 araw ang mga mobile users para irehistro ang […]
-
New ‘Eternals’ Teaser Showcases Each Hero’s Superpowers
A new Eternals teaser showcases how powerful each hero is. In a month, Marvel Studios will make its return to the big screen with Chloé Zhao’s upcoming MCU blockbuster. Set to introduce a whole new team of superheroes, the Eternals’ arrival is expected to change the franchise’s overall power hierarchy. One of the projects […]
-
Obispo, dismayado sa “white sand project” sa Manila bay
Dismayado si Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa hindi napapanahong proyekto ng pagpapaganda at paglalagay ng artificial white sand sa Manila Bay bilang bahagi ng rehabilitasyon nito sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa mula sa COVID-19 pandemic. Sinabi ng Obispo sa panayam ng Radyo Veritas na hindi naaangkop na […]