• February 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID cases sa PH, hindi malabong pumalo ng 76,000 sa Agosto’ – UPLB expert

Pinangangambahan ng isang eksperto mula University of the Philippines Los Banos (UPLB) na maaari pang tumaas ng hanggang 76,000 ang kabuuang bilang ng covid-19 sa bansa sa buwan ng agosto.

 

Dahil na rin ito sa nakikitang patuloy na pagtaas ng kaso ng deadly virus kada araw.

 

Inihalintulad ni UPLB Assistant Dr. Darwin Bandoy ang kasalukuyang lagay ng Pilipinas sa Estados Unidos na nangunguna pa rin sa mga bansang may mataas na covid-19 cases na ngayon ay pumalo na ng mahigit 3.8 million.

 

Malaki umano ang ambag dito ng pagtaas ng testing capacity ng bansa.

 

Sa kabilang banda, bahagyang bumaba naman ang case fatality rate na kanilang naitatala. mula raw kasi 6% noong Hunyo ay nasa 2% na lamang ito ngayon. Ibig sabihin lamang nito ay nag-improve ang healthcare system ng bansa.

 

Habang nakakita naman sila ng muling pagtaas sa positivity rate kung saan itinuturong dahilan dito ang muling pagbubukas ng ekonomiya ng Pilipinas at community transmission.

 

Saka lamang daw malalaman na umuunti na ang bilang ng nagkakasakit sa oras na bumaba na rin ang positivity rate. Kung tumaas naman ang bilang ay maikokonekta ito sa expanded testing na ginagawa ng Department of Health (DOH).

 

Samantala, nilinaw naman ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire na hindi sapat ang antibody test na gamitin mag-isa upang ma-rule out kung may COVID ang isang tao o wala. (Gene Adsuara)

Other News
  • Pagdanganan papalo sa Women’s PGA

    NAKATAKDANG buksan nina rookie Bianca Pagdanganan at veteran Dottie Ardina ang kampanya sa 58th KPMG Women’s Professional Golf Association Championship 2020 sa Aronimink Golf Club sa Newtown Square, Pennsylvania kahapon (ngayon sa Pilipinas).   Buwena-manong pagtatangka ito sa majors golfng bagitong 22-anyos na taga- Quezon City na si Pagdanganan samantalang ikalawa sa taong ito at […]

  • ‘Avatar: The Way of Water’ overtakes ‘Top Gun: Maverick’ at the global box office

    JAMES Cameron has hit it out of the park all over again with his latest release Avatar 2.      It was just a few days ago we heard the news of the film crossing the $1 billion mark at the box office. Before we could blink an eye, The Way Of Water has hit the $1.5 billion milestone and surpassed […]

  • Ads July 23, 2020