Panukala na maglilibre ng buwis sa kita ng mga frontliners, aprubado
- Published on February 3, 2021
- by @peoplesbalita
Bilang pagkilala at parangal sa hindi matatawarang paglilingkod ng mga medical frontliners sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa huling pagbasa ang House Bill 8259, na naglalayong ilibre sa buwis sa taong 2020 ang mga manggagawa sa kalusugan.
Ang panukalang “Handog sa mga Bayaning Lumaban Kontra COVID-19 Act,” na pangunahing iniakda ni Deputy Speaker Michael Romero, ay naglalayong hindi pagbayarin ng 25% buwis sa kita ang mga medical frontliners.
Itinuturing sa panukala na ang mga medical frontliners ay kinabibilangan ng mga manggagawa sa kalusugan na naglilingkod sa mga ospital, klinika at mga institusyong medikal, maging pribado o pampubliko, na pangunahing gumagamot sa mga pasyenteng nahawaan ng COVID-19.
Kabilang dito ang mga kawani ng administrative office, support personnel at staff, anuman ang estado ng kanilang trabaho.
Dagdag pa dito, ipinasa rin ng mga mambabatas ang HBs 8461 at 8512, na naggagawad ng kapangyarihan sa Pangulo ng Pilipinas na suspindihin ang nakatakdang pagtataas ng bayad sa kontribusyon ng mga miyembro ng PhilHealth at SSS sa panahon ng pambansang kagipitan; HB 8179 o ang “Sustainable Forest Management Act”, at HB 8242 o ang “Right to Adequate Food Act.”
Pinuri naman ni Speaker Lord Allan Velasco ang mabilis na pagpasa ng Kamara sa dalawang mahahalagang panukala na naggagawad ng kapangyarihan kay Pangulong Duterte, na suspindihin ang nakatakdang pagtataas ng bayad sa kontribusyon ng mga miyembro ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Socal Security System (SSS) “sa panahon ng pambansang kagipitan” tulad ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Ang kambal na panukala ay nagbibigay ng pahintulot sa Pangulo, sa pakikipag-ugnayan sa mga Kalihim ng Kagawaran ng Kalusugan at ng Pinansya bilang mga ex-officio chairpersons ng Philhealth at SSS, ayon sa pagkakasunod, “na suspindihin ang implementasyon ng nakatakdang pagtataas ng mga kabayaran sa kontribusyon sa panahon ng pambansang kagipitan, para sa kapakanan ng publiko kung kinakailangan.” (ARA ROMERO)
-
DWAYNE JOHNSON, KEVIN HART, KEANU REEVES LEAD VOICE CAST OF “DC LEAGUE OF SUPER-PETS”
Uniting the unsung heroes of the DC canon, Krypto and Ace, “DC League of Super-Pets” is a funny and fun-filled, action-packed adventure that boasts a terrific combination of two of everyone’s favorite things: pets and DC Super Heroes! [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/qkUfjLEh4oY] In “DC League of Super-Pets,” Krypto the Super-Dog […]
-
Ads October 29, 2021
-
500k doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng Sinovac dumating na sa Pinas
DUMATING na kanina noong Linggo ang karagdagang 500,000 doses ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccines na gawa ng Sinovac. Ang bakuna ay “on board flight PR359” mula Beijing, gamit ang A330 aircraft. Ang Pilipinas ay bumili ng 25 million doses ng Sinovac vaccine, kung saan ang 1 milyong doses ay natanggap ng bansa […]