Kris, ginawang big deal ang pagiging face ng online selling store
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
ANG daming nag-aabang ng pa-suspense na posting ni Kris Aquino.
Na ang daming nag-antici- pate na television na ang tinutukoy niya. Na sa sobrang excitement at happy rin ni Kris na kinumpara pa nga niya sa kanyang “first love” ang bagong project, e, Shopee lang pala.
Yun ang ilan sa nabasa at narinig naming comments, “Shopee lang pala!”
Well, hindi naman nga siguro masisi si Kris kung sobra ang pagiging emotional nito at sobrang big deal sa kanya ang pagkakakuha to be the face of the online selling store.
Pagkatapos nga naman ng sunod-sunod na tila pag- isnab sa kanya ng ilang networks o ang hindi na pagkakatuloy ng dapat at talk show comeback niya sa TV5, tila silver lining kay Kris ang tiwalang ibinigay sa kanyang Shopee.
Sey nga niya, “you gave me that most special gift, the rare second chance in a lifetime to give the best in me to make the 3 people I need most to see the best version of me, come true for all to see again.” (ROSE GARCIA)
-
Mojdeh hataw pa ng 3 ginto sa Iloilo
WALANG makapigil sa matikas na kamada ni Brent International School standout Micaela Jasmine Mojdeh nang sumisid pa ito ng tatlong gintong medalya sa 2022 National Invitational Sports Competition kahapon sa Iloilo Sports Complex. Binuhat ni Mojdeh ang Calabarzon Region sa matikas na kampanya nito matapos masikwat ang gintong medalya sa girls’ 400m IM […]
-
Bina-bash pa rin dahil ‘di raw bagay gumanap na ‘Darna’: JANE, aminadong napi-pressure at ‘di ini-expect na papalit sa action-serye ni COCO
AMINADO naman si Jane de Leon na napi-pressure siya dahil ang ‘Darna’ ang pumalit sa time slot ng ‘FPJ’s Ang Probinsyano’ na tumagal ng seven years. Hindi raw niya kasi ini-expect na ang show niya ang mapipiling pumalit sa slot ng teleserye ni Coco Martin. Nakaka-pressure raw sa sinumang artista ang magkaroon ng […]
-
Travel ban sa Indonesia inutos ni Duterte
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang travel ban sa Indonesia dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mas nakakahawang Delta variant doon. Ang travel ban sa Indonesia ay magsisimula ng 1 AM araw ng Huwebes at magtatapos hanggang sa Hulyo 31. Lahat ng may biyahe mula sa Indonesia sa nakalipas na […]