KRIS, itinanggi na nagpapataas ng talent fee kaya ‘di ni-renew ng GMA Network
- Published on August 25, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAUSAP na namin dati pa si Kris Bernal bago siya nag-vlog tungkol sa pagkawala niya sa Kapuso network.
Tinanong din namin siya kung may sama ba siya ng loob, apprehensive pa itong umamin pero sinabi rin niya na, “Yes, oo, at first, nakaramdam ako ng kahit paano, sama ng loob, kasi ang tagal ko na sa network ‘di ba? “Parang napatanong lang din ako sa sarili ko, ano ba ‘yung nagawa ko? May mali ba ‘kong ginawa? Kasi in fairness naman to me, hindi naman ako namimili ng project at saka, lahat ng ibinibigay sa akin, binibigay ko naman ang best ko.
“Pero sa umpisa lang naman ‘yun, napapaisip ka. Pero naintindihan ko rin. Siyempre, pandemic. Apektado naman talaga lahat.”
Itinanggi rin niya ang isyu na kaya hindi siya ni-renew ng network dahil nagpapataas siya ng talent fee.
Sey niya rin sa vlog niya, “Hindi po totoo ‘yun, sabi ko, kahit babaaan niyo na, kahit ano lang po. I’m after you know, doing show because acting is my passion.”
At kaya raw tumanggap din siya ng project na at hindi na nahintay ang home network niya dahil kailangan din daw niyang mag-trabaho talaga. Pero sey niya, sobrang nagpaalam pa rin daw siya sa GMA-7. At never raw niyang sisiraan ang network dahil very grateful and blessed nga siya rito.
Inamin din niya na totoong marami siyang kinausap na manager na possible na mag-manage sa kanya. At ang manager nga raw niya ngayon ay sa ALV ni Arnold Vegafria.
“May mga project na rin siyang naka-line-up for me, may movie at series din pero ayoko munang sabihin baka hindi matuloy. Masarap lang pakinggan na may interested pa rin sa akin,” sey niya.
***
POSITIBO sa COVID-19 ang actor/Senator na si Lito Lapid.
Sa ngayon daw, nasa Medical City ito sa Clark, Pampanga.
Nakausap namin ang kanyang daughter-in-law na si Tanya Garcia na kasalukuyang nasa America kasama ang mga anak at ang mister na si Mark Lapid.
Ayon kay Tanya, dahil nga sa situwasyon ni Senator Lito, hindi maiwasang hindi mag-alala ni Mark. Nagwo-worry raw ito sa kanyang Daddy, pero aware rin naman na kahit nandito sila sa Pilipinas, hindi rin sila makakalapit o mababantayan ito sa hospital.
Kaya timing na rin daw na schedule talaga nilang bumalik na ng bansa ngayong araw na ito from more than a month vacation din sa America. Pero katulad ng ibang nanggaling ng ibang bansa, required din silang buong pamilya na mag-undergo muna ng ten days quarantine.
Sa ngayon, getting better naman daw ang kondisyon ni Sen. Lito kumpara raw kahapon.
***
NAPAKA-VOCAL ng actress na si Dina Bonnevie sa mga papuri niya sa co-star at ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.
Sey niya kasi na talagang noon pa, gusto niyang maka-trabaho si Alden. At ‘yun nga, more than her expectation daw sa kanya si Alden.
At sa mga papuring binitawan nga kay Alden, hindi lamang ni Ms. D kung hindi maging ng isa pang award-winning actress sa GMA Primetime series na The World Between Us pwede ng malunod si Alden, huh!
Sabi ni Ms. D, “More than what I expected, kasi I thought. Kasi, I really wanted to work with Alden. Kasi nga, gusto ko lahat ng mga now na artista, up and coming supertstar, gusto kong maka-trabaho and I was so happy to have given the chance to work with Alden.”
Tila nakilala na nga nang husto ni Ms. D si Alden dahil hindi na lang abot-abot ang papuri niya rito bilang isang artista, bilang businessman na rin.
Sey pa rin niya, “Personally, I think, he’s very kind, very giving, very respectful, very gracious. He’s so gracioso. Such a gentleman and very generous.”
Kaya inunahan na ni Dina si Alden na ‘wag daw ikalalaki ng ulo nito ang mga papuring naririnig.
“I was actually surprise knowing him and finding that he’s actually more than what I expected. Hindi lang pala siya guwapo, pati ‘yung kalooban niya, guwapo rin.”
Season ender na this week ng The World Between Us. Ang isa sa main reason kung bakit may season ender ang serye para sa safety ng cast at crew ngayong sobrang taas pa talaga ng positive cases lalo na sa NCR.
(ROSE GARCIA)
-
5M plastic cards, inaasahang maipapasakamay sa DOTR bago matapos ang 2023
INAASAHANG maipapasakamay sa Land Transportation Office ang hanggang limang milyong plastic cards para sa driver’s license ng mga motorista, bago matapos ang kasalukuyang taon. Ayon kay Land Transportation Office Chief Vigor Mendoza II, inaasahan ang delivery ng mga nasabing plastic cards, sa pamamagitan ng 500,000 cards o higit pa, bawat buwan. […]
-
Presyo ng itlog sa ibang bansa, tumaas din—DA
SUMIRIT din ang presyo ng itlog sa ibang bansa. Dahil dito, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na hindi “exclusive” para sa Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng itlog kundi ito’y kasalukuyang global issue. Base sa pinakabagong data ng DA, sa kanilang price monitoring , makikita rito na ang medium-sized eggs […]
-
Plano na church wedding ‘di muna matutuloy… LUIS at JESSY, parang kinasal muli sa naisip na ‘preggy reveal’
MARAMING masaya sa announcement ng mag-asawang Jessy Mendiola at Luis Manzano. Finally, magkaka-baby na sila! Ang bongga rin ng naisip na concept na baby or preggy reveal nina Jessy at Luis na ipinalabas nila sa Youtube channel ni Jessy. Para lang silang ikinasal muli with Jessy wearing a white gown at si Luis […]