KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY
- Published on March 12, 2021
- by @peoplesbalita
NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan.
Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city.
At ang balak niya, ay bibisitahin na lamang niya every six weeks ang panganay niyang si Josh, na nakatira na sa Tarlac, kasama ni former President Noynoy Aquino, at ayaw nang sumama sa kanila ng bunso niyang si Bimby.
Ngayon ay nag-desisyon na si Kris na gusto na niyang permanently, manirahan na sa kanila sa Tarlac. Marami na siyang kinu-consder na locations doon, dahil gusto na rin niya talagang lumayo sa city.
“Cards on the table, I was readying to switch my voter’s registration to Sitio Alto, Barangay Central, Tarlac,” Instagram post ni Kris last Monday, March 8.
Magbago pa kaya ang plano ni Kris?
***
NAG-CELEBRATE ang aktor na si Gerald Anderson ng kanyang 32nd birthday kasama ang 300 Aeta families sa Lupang Pangako Resettlement Area in Barangay San Agustin in Iba, Zambales, at siyempre pa, kasama ang kanyang love na si Julia Barretto.
Ang relief operation ay pinost ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kanilang Facebook account, dahil sila ang tumulong kay Gerald sa pagdi-distribute ng mga basic commodities tulad ng bigas, canned goods, instant noodles, biscuits, coffee, chocolate drink at supplies for personal hygience.
Sumapi pala si Gerald sa Philippine Coast Guard on December, 2016, may rank siyang Lieutenant Commander, at officially part of the agency’s K9 Special Support Squadron.
Nagpasalamat si Gerald sa PCG Public Affairs led by Commodore Armand Balilo, PCG Logistics Systems Command, PCG Station Subic, and the World Vision Philippines na siyang naglipat sa may 300 Aeta families from Botolan, Zambales to Lupang Pangako Resettlement Area, sa maayos at matagumpay na relief operations.
***
SUNUD-SUNOD nang nagtatapos ang mga GMA afternoon prime at primetime teleseryes, kaya naman excited na rin ang mga netizens na malaman ang mga kaganapan sa bawat serye na magtatapos na.
Tinututukan tuwing 2:30 PM ang Magkaagaw nina Sheryl Cruz, Sunshine Dizon, Klea Pineda at Jeric Gonzales dahil gusto nilang malaman kung paano ipagtatanggol ni Clarisse (Klea) ang karapatan niya sa asawang si Jio (Jeric) at patunayan ang mga kasalanan ni Veron (Sheryl) sa kanya at sa kanyang inang si Laura (Sunshine).
Kasunod na ring magtatapos ang Bilangin ang Bituin Sa Langit nina Ms. Nora Aunor, Mylene Dizon, Kyline Alcantara, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Yasseer Marta at Isabel Rivas.
Maraming revelations na magaganap sa mga tauhan ng serye na dinidirek ni Laurice Guillen, na napapanood at 4:15 PM sa GMA-7.
At sa dami rin ng mga bagong teleseryes ng GMA Network, anu-ano kaya ang ipapalit sa dalawang afternoon prime at sa dalawang primetime telebabad na Anak Ni Waray Vs. Anak ni Biday na magwawakas na ngayong gabi at Love of My Life na nasa last two weeks of airing na? (NORA V. CALDERON)
-
PDu30, gustong dalhin ang bakuna laban sa Covid- 19 sa squatters area
GUSTO ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dalhin ang mga government vaccinators sa mga bahay ng indigent communities o sa squatters area para mabigyan ng COVID-19 doses. “We are thinking of going mobile . . . my order now is for the team to give you the vaccine,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang […]
-
LTO hiniling na suspendihin ang NCAP
HINILING ng Land Transportation Office (LTO) sa mga lokal na pamahalaan na suspendihin muna ang pagpapatupad ng no-contact apprehension policy (NCAP) habang ang mga regulasyon ay inaayos at nirerepaso pa. Ito ay sa gitna ng mga reklamo mula sa mga public utility vehicle drivers at mga pribadong may-ari ng mga sasakyan. […]
-
HEALTH PROTOCOL SA FIBA, WALA PA
WALA pa umanong nakikitang protocol ang Department of Health (DOH) para maging katulad ng PBA bubble ang set up ng International Basketball Federation (FIBA) qualifiers. Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa virtual media forum, kailangan pa itong pag-usapan kasama ng ilang ahensya. Ayon pa kay Vergeire, dati na aniyang […]