• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KRIS, napapatanong sa sarili kung ‘kaya ko pa ba?’

SA latest Instagram post ni Kris Aquino ay napapatanong sa sarili kung ‘KAYA KO PA BA?’

 

 

Na patuloy na lumaban sa kanyang mga sakit dahil wala na nga siyang panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection kaya nasa isolation room siya.

 

 

Panimula ni Kris sa mahabang post, “Exactly 2 weeks ago, i had an Ultrasound guided PICC LINE INSERTION, the minimally invasive surgery was done in Makati Medical Center. I would like to thank everyone in MMC for their genuine concern for my safety & wellbeing while confined- from those in the OR, all the doctors & residents who were monitoring me, the nurses in the 9th floor, and the security team- MARAMING SALAMAT sa INYO!

 

 

“I always try my best to highlight the positive because having 6 autoimmune conditions is depressing (hindi po ako nagkamali, in my last update i had 5 diagnosed autoimmune disorders, but just like the Pop Mart Care Bears na 6 ang laman given to me by my new friends @rouge_and_orange #6 is the supremely punishing RHEUMATOID ARTHRITIS)…”

 

 

Makikita sa kanyang post ang larawan na kung kasama ang mga doktor, kasama ang kanyang boyfriend na surgeon: “this picture was taken by my pain management doctor, @rainiertanalgo. In the picture you can clearly see my adopted younger sister immunodermatologist @drkatcee who is stressed with my ever growing list of medicinal and food allergies; partially seen was my excellent vascular surgeon Dr. James Illescas, not pictured is our family’s trusted anesthesiologist Dr. Jonnel Lim who crossed the “border” (again thank you MMC for saying yes to our request) and clearly visible is surgeon Dr. Mike Padlan. (Pinangalanan ko na po sya).”

 

 

Pagpapatuloy pa ni Kris, nea kahit gaano siya katapang at gustong lumaban, napapaisip talaga siya na, “Kahit gaano katapang ako, there are moments especially pag nagsabay sabay my unexplainable allergies, my lupus (rashes, fever like heat in my entire body, migraine) and rheumatoid arthritis flares (the worst, stabbing/crushing deep bone pain in my knees, hips, ankles) plus my high blood pressure (170/116); i ask myself KAYA KO PA BA?”

 

 

“During my hospitalization, my WBC dropped… i also had a bad allergic reaction to the last antibiotic i could still tolerate. What did that mean- wala na kong panlaban sa kahit anong viral or bacterial infection. I’m now in isolation. So many rules for fa­mily & friends na gusto akong dalawin. Yes, it’s lonely.”

 

 

Panghuli na pahayag ni Kris, “What keeps me going? I REFUSE TO DISAPPOINT ALL THOSE PRA­YING FOR ME. Ayokong maisip nyo na binalewala ko yung time & effort ninyo. Because your compassion has deeply touched my heart. Kaya #bawalsumuko #tuloyanglaban.”

 

 

Patuloy nating ipagdasal si Kris na sana’y malampasan niya ito at unti-unti na siyang gumaling.

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mabahong amoy na itinatapon sa estero ng isang kilalang unibersidad, inireklamo ng isang barangay sa Maynila

    NASA mahigit 300 pamilya ang apektado sa mabaho at nakasusulasok na amoy na nagmumula sa Estero De Sa Antonio Abad na matatagpuan sa kahabaan ng Barangay 178 sa Malate, Maynila.     Ayon kay Barangay Chairman Mark Delfin, ang mga residente sa lugar ay nahihirapang makatulog ng mahimbing dahil sa mabahong amoy na nagmumula sa […]

  • RURU at SHAIRA, ‘di pa iniisip na mag-settle down dahil marami pang gustong ma-achieve

    KAHIT parehong may serious relationships sina Ruru Madrid at Shaira Diaz, hindi raw nila iniisip pa ang mag-settle down dahil marami pa raw silang gustong ma-achieve sa kanilang careers sa showbiz.     Nauso kasi ang ma-engage at magpakasal last year dahil sa pandemic. Ilang celebrities ang ginawa ito ng palihim at meron namang proud […]

  • Metro Rail System ilalagay sa Ortigas corridor; ADB magpapautang ng $1B para sa MRT 4

    ITATAYO ang Metro Rail System o MRT 4 sa Ortigas corridor na magdudugtong sa Quezon City papuntang probinsiya ng Rizal na bibigyan ng pondo mula sa Asian Development Bank (ADB) na nagkakahalaga ng $1 billion.       Ayon kay Department of Transportation (DOTr) undersecretary Cesar Chavez na ang pamahalaan ay handa nang lumagda sa […]