Krizziah Tabora-Macatula 9th place sa 16th Asian Tenpin Championship
- Published on January 16, 2023
- by @peoplesbalita
TANGING ang World Cup champion na si Krizziah Tabora-Macatula ang pinakamahusay na Pilipino sa ginaganap na 16th Asian Tenpin Bowling Championships sa Hong Kong matapos walang nakarating sa podium.
Si Tabora-Macatula, ang 2017 World Cup champion, ay tumapos sa pang-siyam na pwesto na may 1,401 pinfalls sa women’s singles events.
Nagkasya lang si Lara Posadas-Wong sa pang-16 na may 1,350 pinfalls habang si Rachelle Leon ay nasa pang-18 na may 1,332.
Sina Grace Gella, Mades Alres at Danielle Lazo ay pang-28, 33rd at 40th, ayon sa pagkakasunod.
Kinuha ni Cherie Tan ng Singapore ang ginto, nakuha ng Malaysian Natasha Roslan ang pilak at naiuwi ni Hwang Yeonju ng Korea ang bronze.
Sa men’s side, tumapos si Ian Dychangco sa pang-25 na may 1,438 pinfalls.
Si Ivan Malig ay nasa pang-40, habang si Danielle Evangelista ay tumapos ng 43rd.
Nanguna si Kim Donghyeon ng Korea sa men’s event na sinundan nina Muhd Rafiq Ismail at Ahmad Muaz ng Malaysia. (CARD)
-
MCKENNA GRACE, AN ADORABLE GIRL GENIUS IN “GHOSTBUSTERS: AFTERLIFE”
SHE recently starred in New Line’s Annabelle Comes Home and in the hugely successful Captain Marvel opposite Brie Larson. Now, Mckenna Grace stars budding scientist, Phoebe in Columbia Pictures’ new action-adventure Ghostbusters: Afterlife (now showing in Philippine cinemas). [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/vstFiU4r-Cc] At the center of Ghostbusters: Afterlife is a small family: single mom Callie (Carrie Coon), her […]
-
Ads December 13, 2021
-
Dating pedicab driver sikat at malayo na ang narating
Sobrang layo na ang narating ni Arwind Santos ng San Miguel Beer na dati lamang na pedicab driver sa Angeles City, Pampanga pero ngayon ay isa na ito sa natatanging bahagi ng 40 greatest player ng PBA. Para lamang magkaroon ng kakainin ang pamilya nila noon, kailangan kumayod nito sa pamamagitan ng pagpadyak ng […]