Kulong, multa posible sa nakasabay ng Pinoy na may new COVID-19 variant
- Published on January 18, 2021
- by @peoplesbalita
Maaaring humarap sa kaso, multa at kulong ang mga nakasalamuha ng Pilipinong nahawaan ng mas nakahahawang United Kingdom variant ng coronavirus disease (COVID-19) kung patuloy silang hindi makikipag-ugnayan sa gobyerno, paglalahad ng Department of Health (DOH), Biyernes.
Kahapon kasi nang unang banggitin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ilan sa mga contacts ng naturang 29-anyos na Pinoy ang ayaw makipag-ugnayan sa pamahalaan — ang iba, ibinababa pa ang telepono.
“There is this violation. We have a law, [Republic Act] 11332, the law on notifiable disease. Within this law, stated yan sa mga provision na kapag may mga public health emergency, you have to cooperate with government whether it be for quarantine, for isolation, for contact tracing, for testing,” ani Vergeire sa isang media forum.
“So kapag ang isang tao, hindi po siya nakipag-cooperate sa gobyerno, maaari po tayong magkaroon ng mga sanctions for this person.”
Ang RA 11332 ay madalas gamitin noong panahon ng lockdown para arestuhin ang mga aktibista sa mga protesta o na nagsasagawa ng mga assistance program. Ang iba ay pinalaya rin ng korte.
Sa 159 na mga pasahero kasi ng Emirates Flight EK 332, 146 pa lang o 96% ang matagumpay na nakikipag-ugnayan matapos ang contact tracing: “‘Yung 13 po, talagang rejecting the calls, walang sumasagot, o siguro patay ang telepono o mali ang ibinigay na telepono,” dagdag ng DOH official.
Sa 146 na pasaherong na-contact na, 125 sa kanila ang nakagawa na ng mga positibong aksyon matapos ang patuloy na pakikipag-ugnayan sa DOH.
Marami sa kanila ay naka-quarantine na sa mga pasilidad, o ‘di kaya’y naka-home quarantine basta’t pasado sa mga panuntunang inilatag ng gobyerno.
“‘Yung iba ho, mamaya ho natin babalikan ‘yung ibang datos ano. Just for the information of everybody, lahat po sila ay na-swab. Kinolekta ang specimen. Dalawang specimens po, isa for RT-PCR, isa for genome sequencing,” dagdag ni Vergeire.
Pero anu-ano nga ba ang mga parusang nag-aantay para sa mga patuloy na ayaw makipag-ugnayan sa gobyerno sa panahon ng isang public health emergency?
Ayon sa RA 11332, nariyan ang:
- P20,000 hanggang P50,000 multa
- isa hanggang anim na buwang kulong
- parehong kulong at multa
- pagkakatanggal o suspensyon ng lisensya kung ikaw ay lisensyado sa ilalim ng Professional Regulation Commission (PRC)
“Meron tayong unauthorized disclosure, meron tayong non-cooperation of persons and entities that should report and respond sa mga ganitong sitwasyon o request ng government, non-cooperation of persons and entities identified with the disease, or ‘yung mga contacts nitong may mga sakit na ito,” sabi pa ni Vergeire.
-
Outreach program ng SPEEd, umabot na sa Nueva Ecija at Aurora
MARAMI na namang napasaya at nabigyan ng tulong ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) matapos ang isinagawa na taunang outreach program. Nagtungo ang mga opisyal at miyembro ng SPEEd sa Nampicuan, Nueva Ecija at Dingalan, Aurora nitong nagdaang Huwebes at Biyernes, Abril 4 at 5, para maghatid ng tulong sa ilang residente roon. Dumalaw […]
-
Laban ni Mayweather sa Dubai hindi natuloy
IPINALIWANAG ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai. Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh […]
-
Kapwa Pinoy, gusto idamay ni Kai Sotto
TILA hindi nakikita ni Kai Sotto ang sarili bilang huling Pilipinong makakakuha ng imbitasyon sa Basketball Without Borders Global Camp. Kabilang si Sotto sa 64 na babae at lalaking manlalaro sa buong mundo ang napili upang maging bahagi ng 2020 camp kung saan itatampok ang mga manlalaro mula sa iba’t ibang bansa, ang All-Star […]