• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kumalat na fake news, ‘di talaga kapani-paniwala: KRIS, itinanggi na ikakasal na sa kanyang physician boyfriend

KUMALAT nga ang balitang ikakasal na raw si Queen of All Media Kris Aquino sa physician boyfriend na si Dr. Michael Padlan na nagwo-work sa Makati Medical Center.

 

Ipinagkakalat ng isang poser sa Facebook post na nakatakda na raw ang intimate wedding na gaganapin sa isang events place sa Makati City, na ipinakita ang dalawang long table set up, na may mga puno at halaman sa paligid.

 

Dumating nga si Kris last month para dito na ipagpatuloy ang iba’t ibang treatment para sa kanyang autoimmune diseases.

 

Kaya marami ang nag-react sa naturang fake news, na hindi talaga kapani-paniwala.

 

Agad naman itong itinanggi ng mommy nina Bimby at Josh sa pamamagitan ng kanyang kaibigang si Dindo Balares, na dating entertainment editor ng isang tabloid.

 

 

“THE BEST ANSWER TO THAT FAKE NEWS,” ito ang title ng kanyang Facebook post.

 

Panimula ni Dindo, “Back to Bicol ako para ituloy ang pagtatanim, nang matanggap ko ang sunud-sunod na messages at link ng post na ikakasal daw si Kris sa physician boyfriend.

 

“Nasa ibaba po ang chat namin ni Krisy kani-kanina.”

 

Tanong ni Dindo, “Hello Krisy! As much as possible, ayaw kong iniistorbo ka. Pero dumadami ang nagtatanong na media friends. Gusto mo bang sagutin ko?” ang sabi pa sa post.

 

Nag-reply naman ni Kris ng, “Kuya Dindo, the best answer to that fake news is how can your panganay who has adult onset asthma and has publicly admitted to having Chronic Spontaneous Urticaria and is currently undergoing treatment that makes her extra sensitive to direct sun exposure and as you yourself know sobrang allergic ako sa mga dahon ng puno (trigger ng allergic rhinitis and asthma for me) especially grass as in damuhan – does it make sense na pipili ako ng outdoor venue? Na punung-puno ng halaman?

 

“Hindi lang ako ang may asthma, si Bimb also has asthma.”

 

Dagdag pa ni Kris, “Kuya Dindo, kung totoong kilala ako nu’ng nag-scoop nito alam niya dapat ‘yung alam na alam mo — hindi friend ng respiratory system ko ang mga puno at lalo na ang grass, kahit nga astroturf bawal because maraming alikabok na puwedeng ma-collect.

 

“Dapat maniwala lang sila kung ikaw or si Pareng Ogie (Diaz) ang mag-‘giveaway’ na blind item.”

 

At sa kalagayan ngayon ni Kris, malabo talaga na maisip pa niyang magpakasal, tulad ng sinasabing nagbabalak daw niyang pasukin ang pulitika.

 

***

 

AABOT sa 200,000 pelikula, palabas sa telebisyon at iba pang pampublikong materyal ang narebyu ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) mula Enero hanggang Setyembre 2024.

 

 

Batay sa datos, 196,304 na TV programs, plugs at trailers, optical media at publicity materials, movie trailers at pelikula ang nirebyu at binigyan ng angkop na klasipikasyon ng tatlumpu’t isang (31) Board Members sa loob ng siyam na buwan.

 

 

Pinakamalaking bilang sa narebyu ay ang TV programs, plugs at trailers na umabot sa 194,366, 412 na pelikula at 403 trailers. Umabot naman sa 1,123 na publicity at optical media materials ang narebyu ng Board.

 

 

Ayon kay MTRCB Chair Lala Sotto-Antonio, tiniyak ng Board na ang lahat ng materyal na isinabmit sa Ahensya ay susog sa Presidential Decree (PD) No. 1986, ang batas na basehan ng bawat komite sa pagri-rebyu ng mga materyal.

 

 

“Ang PD No. 1986 o ang MTRCB charter ang sandigan ng ating Board pagdating sa pagri-rebyu,” sabi ni Sotto-Antonio. “Nakapaloob dito ang pagbibigay-halaga sa contemporary cultural Filipino values sa bawat rebyung isinasagawa.”

 

 

Noong 2022, nakapagrebyu ang MTRCB ng 230,280 at 255,220 noong 2023.

 

 

Optimistik si Sotto-Antonio na malalagpasan ng Board ang bilang ng kanilang mari-rebyu dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga materyal habang papalapit ang katapusan ng taong 2024.

 

 

“Sa MTRCB, patuloy nating sinisikap na maging kaagapay ng pamilyang Pilipino tungo sa responsableng panonood sa Bagong Pilipinas,” sabi ni Sotto-Antonio.

 

 

 

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • PDu30, ipinagmalaki na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga durugista

    IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte na bumaba ng ilang milyon ang bilang ng mga drug users o durugista sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.   Iyon ay sa kabila ng kanyang pag-amin na nananatili ang Pilipinas “in the thick of the fight against shabu.”   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay […]

  • PATAFA target ang Top 3 sa Vietnam SEAG

    ANG PAGDUPLIKA sa nakolektang mga medalya noong nakaraang Southeast Asian Games ang hangad ng Philippine Athletics Track And Field Association (PATAFA) sa paglahok sa 31st edition sa Hanoi, Vietnam.     Noong 2019 Manila SEA Games ay humakot ang national team ng kabuuang 11 gold, 8 silver at 8 bronze medals sa ilalim ng Vietnam […]

  • Djokovic umatras na sa paglahok sa ATP Cup

    Umatras na si tennis star Novak Djokovic sa pagsali sa 2022 ATP Cup sa Sydney.     Kinumpirma ito ng organizer ng nasabing torneo kung saan ang Team Serbia ngayon ay pangungunahan na ni world number 33 Dusan Lajovic.     Maraming tennis fans naman ang nanghinala sa vaccination status ng 34-anyos na Serbian tennis […]