• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kumpanyang sangkot sa oil spill, dapat magbigay din ng ayuda

HINIMOK  ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap ang kumpanya ng lumubog na MT Princess Empress na magbigay din ng ayuda sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro.

 

 

Ayon kay Cong. Yap, “napapansin ko na pawang gobyerno lang ang nagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng oil spill at walang pakunswelo man lang ang kumpanya ng barko”.

 

 

“Kahit man lang tig-two kilos na lang ng bigas, siguro makakatulong na sa mga biktima ito”, ani Yap.

 

 

Dagdag pa ng mambabatas, “karamihan pa naman sa mga apektado ay pangingisda ang hanap-buhay. I am sure wala silang kita ngayon”.

 

 

Pahabol ni Yap dapat na ring bilisan ang clean-up para hindi na umabot sa iba pang isla. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Anti-Silos Class’, patok na patok at maraming nag-enroll… JAK, inaming napag-uusapan na nila ni BARBIE ang kasal

    INAMIN ni Kapuso actor Jak Roberto na napag-uusapan na nila ni Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza ang kasal.      Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda, natanong si Jak ng, “You’re 29, Barbie is 26. Napapag-usapan na ang kasal?”     Sagot naman ng aktor, “May mga times na, Tito. […]

  • Substitute bill para sa pagkakaroon ng Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team (HEART), aprub

    INAPRUBAHAN ng House Committee on Health ang consolidated substitute bill sa ilang panukalang batas na nagsusulong para ma-institutionalize ang medical reserve corps.     Bubuuin ng panukalang batas ang Health Emergency Auxiliary Reinforcement Team o HEART sa ilalim ng Department of Health (DOH) kung saan magiging bahagi ng tungkulin nito ang pagbuo ng mga polisiya, […]

  • Ads December 21, 2023