Kung bakit hindi nagsuot ng ‘pink shirt’… ANGEL, ayaw mahaluan ng pulitika ang pagbibigay niya ng relief goods
- Published on April 23, 2022
- by @peoplesbalita
IPINALIWANG ng aktres at kilala ring philanthropist na si Angel Locsin, kung bakit hindi niya sa nagsusuot ng ‘pink shirt’ habang nagdi-distribute ng relief goods sa typhoon victims.
Alam naman ng lahat na very vocal na supporter si Angel sa presidential bid ni Vice President Leni Robredo.
May isa kasing follower na tila nabahala sa photos na nakunan sa Palo, Leyte na kung saan nakikipagkamay siya kay Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na suot ang “Sara All” shirt, baka raw ito magamit at palabasin na ‘di na niya sinusuportahan si VP Leni.
Sa tweet ng fan ni Angel, “Ang nakakatakot lang gamitin nila yon picture as fake news ….. na BBM na si Angel Locsin sana nakasuot ng pink t-shirt si Angel.”
Kaya naman sumagot ang asawa ni Neil Arce ng, “Hello! Hindi po talaga ako nagsuot ng pink or campaign shirt para hindi po mahaluan ng pulitika ang pagbibigay ng relief goods… lablablab lang po tayo dahil ang kailangan naman po ng mga affected ng landslide ay magtulungan tayo.”
After na personal na nag-distribute relief packs si Angel sa mga pamilyang nasalanta ng Typhoon Agaton, nangampanya din siya na mag-house-to-house para kina VP Leni at running mate na si Sen. Kiko Pangilinan.
Post pa niya, “Kumausap. Makinig. Tao sa tao. Puso sa puso. Sama ka na! #IpanaloNa10ParaSaLahat.”
***
WINELCOME ni Kapuso Chef and food explorer JR Royol ang actor and athlete na si Matteo Guidicelli bilang special guest sa kanyang weekly cooking show na Farm To Table sa GTV.
Chef JR goes out on a culinary trip kasama si Matteo on the trails of Pestano Farm sa Antipolo, Rizal, upang magluto ng delectable dishes at ma-experience ang various activities while sharing funny and inspiring stories.
Sisimulan nila ang araw by brewing locally produced Cacao Tea using organic eggs and some habanero and padron peppers fresh from the farm. Magpi-prepare sila ng steak and eggs for breakfast.
Pagkatapos ay pupunta sila sa Lagoon Area where para manghuli ng fresh Pangasius na gagamitin nila para sa Fish in Lemon Butter Sauce with Thai Mango Salad.
Chef JR will be using some of the farm’s fresh herb produce in preparing the Lemon and Lime Marmalade served with Herb bread baked in a makeshift oven.
Samantala, ipamamalas ni Matteo ang kanyang cooking skills by preparing his personal Spaghetti Aglio e Olio.
While bonding over food, pag-uusapan nila ang common interests, their mutual love for food, family life, and Matteo’s growing interest in farm life.
Kaya don’t miss Chef JR Royol and Matteo Guidicelli’s exciting food adventure in Farm To Table this Sunday, April 24, at 7 p.m. on GTV.
(ROHN ROMULO)
-
Ancajas may mga adjustments na binago para sa rematch niya kay Martinez
BINAGO ng kampo ni Jerwin Ancajas ang mga teknik na ipinapagana. Sinabi ng kaniyang coach na si Joven Jimenez, ang mga adjustments na kanilang ipinatupad ay para hindi na maulit ang nangyaring pagkatalo ng Filipino boxer kay Fernando Martinez ng Argentina. Ang nasabing mga adjustments ay para mabawi nito ang kaniyang […]
-
Ravena 3 buwang pahinga
IPINAHAYAG ng San-En Neophoenix kamakalawa na tatlong buwang magpapahinga si Asian import Ferdinand ‘Thirdy’ Ravena III makaraan ang fractured right finger operation sa Chunichi Hospital sa Narita, Japan. Pinapagaling na ngayon ni Japan’s B.League 2020-21 Asian import Ravena III ng San-En Neophoenix ang inoperahang kanang kamay nitong Huwebes. “Happy to announce that my […]
-
Ads March 5, 2020