• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung exciting ang labanan sa pagka-Best Actor: CHARO, makikipagtunggali sa mga first timers sa Best Actress ng ‘Gawad Urian’

IPINAHAYAG na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 45th Gawad Urian.

 

Ang mga nominado sa Best Picture ay Big Night, Ang Historya ni Ha, Kun Maupay Man It Panahon, On The Job: The Missing 8, at Walang Kasarian ang Digmang Bayan.

 

For Best Director, magkakalaban sina Joselito Altarejos (Walang Kasarian ang Digmang Bayan), Lav Diaz (Ang Historya ni Ha), Lawrence Fajardo (A Hard Day), Carlo Francisco Manatad (Kun Maupay Man It Panahon), Erik Matti (On The Job: The Missing 8) at Jun Robles Lana (Big Night!).

 

Except for Miss Charo Santos-Concio, na nominado para sa Kun Maupay Man It Panahon, parang puro first timers sa Urian ang mga finalists sa Best Actress namely Donna Cariaga (Rabid), Elora Espano (Love and Pain in Between Refrains), Kim Molina (Ikaw at Ako at ang Ending) at Yen Santos (A Faraway Land).

 

 

Exciting naman ang labanan for Best Actor sa pagitan nina John Arcilla (On The Job; The Missing 8), Christian Bables (Big Night!), Paolo Contis (A Faraway Land), John Lloyd Cruz (Ang Historya ni Ha), Dingdong Dantes (A Hard Day), Francis Magundayao (Tenement 66), at Shogen (Gensan Punch).

 

 

Best Supporting Actress contenders naman sina Dolly de Leon (Ang Historya ni Ha), Lotlot de Leon (On The Job: The Missing 8), Eugene Domingo (Big Night!), Jay Valencia Glorioso (Rabid), Mae Paner (Ang Historya ni Ha), at Shella Mae Romualdo (Arisaka).

 

 

Sa Best Supporting Actor category, nominado sina John Arcilla (Big Night! at A Hard Day), Ronnie Lazaro (Gensan Punch), Sandino Martin (Walang Kasarian ang Digmang Pambayan), Dante Rivero (On The Job: The Missing 8), at Dennis Trillo (On The Job: The Missing 8).

 

 

Ang Manunuri ang oldest critics group sa bansa at siyang nagbibigay ng Gawad Urian taon-taon. Sila ay binubuo nina Gary Devilles (Chair), Shirley Lua, Gigi Alfonso, Laurence Marvin Castillo, Butch Francisco, Mike Rapatan, Anne Frances Sangil, Nic Tiongson, Roland Tolentino, at Tito Genova Valiente.

 

 

Ang mga nominado para sa Best Short Film at Documentary ay ipapahayag sa September 16. Ang awards night na gagawin online ay gaganapin sa October 27, 2022.

 

 

***

 

 

PINAG-UUSAPAN nang husto ang katatapos lang na PBA Philippine Cup Game 7 last Sunday, September 4 kung saan tinutukan ng basketball aficionados ang matinding labanan ng San Miguel Beermen at TNT Tropang Giga.

 

 

The match scored record-high viewership para sa TV 5 at OneSports Channel. Napuno rin ang Araneta Coliseum.

 

 

Ayon sa Nielsen NUTAM Overnight Data, ang PBA Game 7 telecast sa TV5 at OneSports ay nakakuha ng “cumulative unduplicated reach” of 6.9 million viewers and a combined ratings of 6.85 average minute rating (AMR), placing Top 6 Program of the Day across all channels.

 

 

Umapaw din ang tao na nanood sa Araneta Coliseum kung saan may 15, 195 gate attendance para sa do-or-die Game 7 match kung saan napuno ng hiwayan ng mga PBA fans ang venue.

 

 

Nakatutuwang makita ang excitement ng mga sports fans sa iba’t-ibang bahagi ng bansa. At kung titignan ang high viewership rating ng TV5 at OneSports, at ang full gate attendance ng Araneta Coliseum, maasahan natin na mas lalo pang magiging matagumpay ang next PBA conference at mas marami pang sports fans ang manonood.

 

(RICKY CALDERON)

Other News
  • Senador itinulak ‘libreng matrikula’ ng mga gusto mag-abogado

    UPANG maitaguyod ang access sa quality legal education, inihain ni Sen. Raffy Tulfo ang Senate Bill 1610 na layong magbigay ng libreng tuition at other school fees sa mga “deserving law students” na nag-aaral sa state universities and colleges (SUCs).     Kasalukuyang libre ang matrikula atbp. bayarin sa mga SUCs sa ilalim ng Republic […]

  • 4 kalaboso sa shabu at pagnanakaw ng mga cable wire

    ARESTADO ang apat katao matapos maaktuhan nagbabalat at nagpuputol ng mga ninakaw na cable wire ng isang telephone company kung saan tatlo sa mga ito ang nakuhanan ng hinihinalang shabu sa Valenzuela City.     Kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura Jr ang mga naarestong suspek na sina Lester Bernardo, 32, Joselito Samson, […]

  • P31M inilaan ng DOST para sa 5 commodities, food security

    Naglaan ang Department of Science and Technology (DOST) ng karagdagang P31.6 milyon para sa food security research and development (R&D) projects na sumasakop sa limang commodities.   Sa isang online interview, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na bukod ito sa P36 million na inilaan ng DOST para sa mga proyekto na sumusuporta sa […]