• June 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

P31M inilaan ng DOST para sa 5 commodities, food security

Naglaan ang Department of Science and Technology (DOST) ng karagdagang P31.6 milyon para sa food security research and development (R&D) projects na sumasakop sa limang commodities.

 

Sa isang online interview, sinabi ni DOST Secretary Fortunato dela Peña na bukod ito sa P36 million na inilaan ng DOST para sa mga proyekto na sumusuporta sa food security sa paghahanda para sa post-coronavirus disease 2019 (Covid-19) recovery process.

 

“I want to emphasize the role of R&D not just for the short and medium terms, but for the longer term as well. This is how we prepare for the future,” ani dela Peña.

 

Sakop ng proyekto ang bangus, ulang, native na manok, queen pineapple, bawang at iba pang pampalasa.

 

“We would find out the genetic diversity of ‘ulang’s’ population through mtDNA (Mitochondrial DNA) sequences and microsatellite analyses. Through this, we would know where to find the good population of ‘ulang’,” aniya.

 

“Potential farmer cooperators would be selected based on a set of criteria. They will be trained on native chicken production and management,” saad pa ni dela Peña.

 

Dagdag pa nito, ia-assess ng mga ito kung maasring may makuha sa pag-aalaga ng mga native na manok.

 

“After they attend the training courses, they could buy foundation stock. They will be provided with the technical know-how,” pahayag nito.

 

“This seeks to revitalize the garlic industry in the country and improve the other agri-food condiments industry through R&D. The program is expected to contribute to increasing the local garlic’s competitiveness in the market, and develop a successful chain for garlic production, including processing and storage facilities,” pahayag pa nito.

 

“The program would also find ways to detect the virus that causes disease in pineapple. Through a new system, we would study how to manage pests, and increase the production of pineapple,” dagdag pa nito.

 

Sinabi ni Dela Peña na makikinabang ang buong bansa sa R&D projects na ito para sa bangus, Calabarzon region para sa “ulang”, Zamboanga Peninsula para sa native na manok, Ilocos region para sa bawang, at Bicol at Eastern Visayas regions para sa queen pineapple.

 

“The whole milkfish industry in the country may benefit from this project,” aniya.

 

“The model farms by select farmer-cooperators are also expected to attract and stimulate (the) adoption of technologies among garlic growers in the region,” ayon kay dela Peña. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • JENNICA, nilinaw na hindi pera ang pinag-awayan nila ni ALWYN

    BALIK-GMA Network si Jennica Garcia, pagkatapos ng hiwalayan nila ng dating husband na si Alwyn Uytingco.      Hindi raw over money ang pinag-awayan nila, pero dinipensahan niya ang asawa sa pagsasabing, “the good things that I said about how I honor Alwyn up to this day, because he was never materialistic, hardworking and a […]

  • Pagkuha ng PhD sa UP, pangako sa ina: ALFRED, kinakiligan nang namigay ng roses noong V-Day

    MARAMING kinilig sa ginawa ng aktor at Quezon City Councilor na si Alfred Vargas noong Araw ng mga Puso, February 14 na kung saan bumisita siya sa University of the Philippines para mag-enroll sa UP School of Urban and Regional Planning para sa kanyang Doctorate degree on urban planning.     Nakuha ngang magpakilig ang […]

  • 30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay

    Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado.     Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito.     Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang […]