• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kung may nais na maulit sa kanyang buhay: KC, gustong maging best friends ulit sila ni SHARON

KUNG si KC Concepcion pala ang tatanungin kung ano ang part ng buhay niya na gusto niyang maulit, ano iyon?  

 

 

Natuwa si KC nang itanong sa kanya iyon, nang minsan makausap siya, the other day sa “Updated with Nelson Canlas.”

 

 

Ang sagot ni KC: “wow, good question! Gusto kong maging best friends kami ulit ni Mommy.”

 

 

“I mean, of course, I really would like for my mom and I para maging best friends again.”

 

 

Inamin ni KC na maraming taon din na may mga destructions sila ng kanyang actress-singer mom, kaya wish niyang magkaroon sila muli ng special moments na mag-ina.

 

 

“Hindi mawawala ‘yung pagmamahal namin sa isa’t isa.  Siguro one day,, ‘kapag ikinasal na ako and kapag nagka-anak na ako, I think that would bring my mom and I closer than ever.  But I want her to know na mahal na mahal ko siya at loyal ako sa kanya.  “Yun talaga, Nanay ko siya! Dugo niya, dugo ko.”

 

 

Papalapit na ang pinakahihintay na concert nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, ang parents ni KC, na “Dear Heart: The Concert” sa October 27 na magaganap sa SM Mall of Asia Arena, at marami nang naghihintay kung magiging part daw ng concert si KC.

 

 

Balitang sold-out na ang tickets dahil matagal na raw itong hinihintay ng mga fans nina Sharon at Gabby.

 

 

                                                            ***

 

 

SUSUNDAN kaya ng 21-year-old Filipino-Japanese ang yapak ng ina at kapatid?

 

 

Star material ang son ni Jean Garcia at kapatid na lalaki ni Jennica Garcia na si Kotaro Shimizu, na papasang Koreano, dahil sa kanyang physical appearance.

 

 

Napansin ang potensyal ni Kotaro na maging artista nang samahan niya ang mommy niyang si Jean sa pagdalo sa GMA Gala.  Pagkatapos ng event, inamin ni Kotaro na may mga nagti-text na sa kanya at mini-mention na nila ang mga IG stories niya.

 

 

Nagsimula pala ang pangarap ni Kotaro na maging member ng isang K-pop group last year pa.  Kaya ngayon ay nagti-training na siya ng singing at pag-aaral ng Korean language.  Nanonood din daw siya ng K-pop concerts na dumarating dito, para mag-show sa bansa.  Alin kaya ang pipiliin niya, umarte o kumanta?

 

 

“Pwede naman po akong umarte, pero ang main goal ko, K-pop.  Gusto kong maging member ng international group,” sagot ni Kotaro.

 

 

“Feeling ko, papunta ako sa pag-arte pero mas gusto kong unahin ang music.  Kaya this year po, bago matapos ang taon, pupunta na ako sa Korea, pero hindi ko alam kung gaano ako tatagal doon, depende sa Korean companies na contact ko.”

 

 

                                                            ***

 

 

NAUNA nang nasulat na muling magtatambal sa isang project sina Jennylyn Mercado at Sam Milby sa pelikulang “All About My Wife.”

 

 

Hindi pa nagsisimula ang shooting, at finally, in-announce na rin ng The Creazion Studios na makakasama rin nina Jennylyn at Sam si Gerald Anderson.  Second team-up na ito nina Jennylyn at Sam, at magiging pangatlo namang projects na magkasama sina Sam at Gerald.  Nauna silang magkasama sa “A Family Affair” in 2022 at sa “Dyesebel” noong 2014.

 

 

Ang “All About My Wife” ay Philippine adaptation ng South Korean film with the same title, na hango naman sa Argentinian hit comedy film na “A Boyfriend for my Wife.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • ‘FPJ’s Ang Probinsyano’, isa pa rin sa most-watched programs ng ABS-CBN

    ISA pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano sa most-watched programs ng ABS-CBN.     Sa survey ng AGB-NIELSEN na ginawa mula April 26 to may 4, nasa number 11 ang programang pinagbibidahan ni Coco Martin.     Karamihan sa mga programa na pasok sa Top 20 shows ay programa ng GMA 7 dahil sila ang […]

  • Sara Duterte spokesperson, Mayor Frasco next Tourism secretary, Erwin Tulfo magiging DSWD chief ni Marcos

    LIMA  pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles.     Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping.     Habang ang susunod na magiging Tourism secretary […]

  • Natuklasang dalawang biyahero na nasa Pinas na may omicron variant, nasa quarantine facilities na –Nograles

    KAPWA nasa quarantine facilities na ang dalawang byahero na tinamaan ng Omicron variant.   Sinabi ni acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ipinaalam na sa Office of the President ang dalawang kaso ng Omicron variant na natuklasan ngayon sa Pilipinas.   “As earlier reported by the Department of Health, the variant was […]