Kung si ROBIN ay tatakbong Senador: WILLIE, hinihintay na ng kanyang fans kung magpa-file din ng COC
- Published on October 8, 2021
- by @peoplesbalita
MUKHANG mapupuno ng showbiz personalities ang mga kakandidato sa coming national elections sa May, 2022.
Sunud-sunod na ang mga nagpa-file ng kani-kanilang Certificate of Candidacy at marami pa ang naghihintay sa mga susunod pang magpa-file na hanggang ngayong Friday na lamang, October 8, kaya expected nang magiging parang fiesta ang huling araw ng filing.
Isa nga sa nag-file na ng kanyang candidacy si Robin Padilla, na nagdesisyon na ring tuluyan nang pasukin ang pulitika at tumakbong Senador sa PDP-Laban Cusi faction.
Kasama rin ni Robin na nanumpa ang kuya Rommel Padilla niya na tatakbo namang Congressman sa 1st District ng hometown nila sa Nueva Ecija.
Natagalan sa pagpa-file ng COC si Robin dahil hindi niya alam kung ano ang pipiliin niya, ang maging senador, governor ng Camarines Norte or mayor sa Jose Panganiban, Camarines Norte.
Humingi si Robin ng guidance at nagdasal siya kay Allah kung alin ang pipiliin niya. Matatandaan na isinama ni President Rodrigo Duterte sa list ng senatorial candidates nila sa PDP-Laban si Robin, Willie Revillame at Raffy Tulfo.
Si Willie ay hinihintay ng mga fans niya sa Wowowin kung magpa-file na siya ngayong Friday ng kanyang COC.
***
HAPPY ang aura ni Kapuso young actress Bianca Umali, dahil open book naman ang relasyon nila ni Ruru Madrid.
Kaya nagtaka ang netizens na bakit siya nag-release ng isang heartbreak single titled “Itigil Mo Na,” under GMA Music, after niyang ma-nominate sa 34th Awit Awards for ‘Best Performance for a New Female Recording Artist’ and ‘Best Engineered Recording,’ para sa debut track niyang “Kahit Kailan.”
Ang “Itigil Mo Na” ay tungkol sa isang girl na na-in love sa isang boy na may iba namang babaeng gusto, sinulat ito ng award-winning writer-director-singer-songwriter na si Njel de Mesa.
Kaya naman ayon kay Bianca, nagustuhan niya ang song at may advice siya sa mga girls who are experiencing heartaches.
“The message of the song is that nagkakaroon talaga ng mga pagkakataon na sobra-sobra na tayong magmahal, to the point na hindi na natin kayang i-let-go ang taong mahal natin, kahit nahihirapan at ang sakit-sakit na.
“Kung may mga heartaches kayong pinagdaraanan, okay lang ‘yan, normal lang ‘yan. Huwag nating labanan o takbuhan ang hirap at sakit. Kung mapaglabanan at matiis natin, ito ang huhubog sa atin na mas mabuti, mas matibay at mas matapang na tao. Worth it lahat ng sakit, trust me.”
Isa si Bianca sa cast ng GMA Primetime series na Legal Wives, at maihahawig ang song niya sa character niya as Farrah, the third wife of Ismael (Dennis Trillo), makaya ba niya ang heartaches na nararamdaman niya dahil sa dalawa pang legal wives ni Ismael na sina Alice Dixson at Andrea Torres?
Nasa last five weeks na lamang ang serye na napapanood gabi-gabi after 24 Oras.
***
TIYAK na excited na ang mga fans ng GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas dahil nagsimula na sila ng lock-in taping ng season two ng series.
Abangan kung sinu-sino ang mga bagong characters na papasok sa serye.
For the followers naman ng First Yaya, tuloy na rin ang season two nila. Balitang magku-quarantine na sila sa first week ng November, at tuloy na ang lock-in taping nila hanggang sa Christmas break na.
(NORA V. CALDERON)
-
Sindikato sa ‘fund parking scheme’ sa DPWH, pinasisilip
PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Alan Peter Cayetano sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) ang umano’y sindikatong nasa likod ng illegal realignment ng bilyon-bilyong pondo sa panukalang 2023 budget ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Ayon kay Cayetano, bilang dating Speaker ng Kamara ay nakarating sa kanyang impormasyon na mayroong grupo na nagkokontrol […]
-
Duque tiniyak kay Pangulong Duterte, maipamamahagi ang SRA at kompensasyon sa mga health workers sa Agosto 31
TINIYAK ni Health Secretary Francisco Duque III kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na maipamamahagi na ang special risk allowance at kompensasyon para sa mga health workers sa darating na Agosto 31. Noong nakaraang linggo kasi ay binigyan ni Pangulong Duterte ng 10 araw na palugit ang Department of Health (DOH) at Department of Budget […]
-
Timothée Chalamet Will Play an Oddball Sports Legend in This New Biopic
AFTER starring as Bob Dylan in A Complete Unknown, Dune star Timothée Chalamet is in talks to play a New York City icon of a different kind. He is currently circling the role of legendary ping pong champion Marty Reisman in Marty Supreme. According to Variety, Josh Safdie will direct the film for A24. Chalamet is in final talks to star as Reisman, who started out as a […]