Kuwestyon sa MIF sasagutin ng Kamara
- Published on October 5, 2023
- by @peoplesbalita
SASAGUTIN ng Kamara ang petisyong inihain sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa legalidad ng Republic Act (RA) 11954 o ang Maharlika Investment Fund Act of 2023.
Sa isang pahayag, sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na iginagalang nito ang direktiba ng Korte Suprema na maghain ng komento sa petisyon sa itinakdang oras.
“The House of Representatives, under my leadership as the Speaker, affirms its commitment to the rule of law and will duly submit our comment within the ten-day timeframe,” ani Speaker.
Binigyang-diin ni Romualdez na ang MIF ay nilikha upang magkaroon ng bagong mekanismo ang bansa upang mabilis na umunlad ang ekonomiya.
“The concerns raised by the petitioners deserve to be addressed comprehensively,” dagdag pa nito.
Mahalaga rin umanong ipabatid sa publiko na ang intensyon ng Kamara ay tiyakin na tama ang gagawing paggamit ng pondo ng bayan.
-
Senador inaaral ang dagdag sweldo kasunod ng P33k minimum wage calls sa gov’t workers
PANAHON na raw upang i-review ang posibilidad ng dagdag sweldo para sa mga kawani ng gobyerno ayon kay Sen. Ramon “Bong” Revilla, ito habang nananawagan ng umento ang mga manggagawa dahil sa nagtataasang presyo ng bilihin. Natataon ang pahayag ni Revilla sa pagtungtong ng inflation rate sa 7.7% nitong Oktubre 2022, ang pinakamabilis […]
-
SONA NI PBBM, NAKATUON SA EKONOMIYA
EKSAKTONG alas-3:33 ng hapon nang dumating sa Batasang Pambansa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa kanyang unang State Of the Nation Addres (SONA) kahapon, July 25. Dumiretso ang Pangulo sa Executive Lounge ng Kongreso kasama ang kanyang may bahay na si Lisa at Executive Secretary Vic Rodriqguez, mga senador at iba pa. […]
-
Gobyerno, sisimulan na ang pagbabakuna sa 5-11 years old sa Pebrero 4- Galvez
NAKATAKDANG simulan ng pamahalaan at pangasiwaan ang pagtuturok ng Covid-19 vaccine sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang sa Pebrero 4, 2022. “We are already prepared in the vaccination of 5 to 11 years old,” ito ang iniulat ni National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary […]