• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLA, dinamdam nang husto na nawala na naman ang kanyang pinagbubuntis; excited na pa naman na maging kuya ang anak

DINAMDAM nang husto ng singer na si Kyla ang ikatlong beses na nakunan siya.

 

 

Babae pa naman ang pinagbubuntis ni Kyla at excited na ang anak nila ni Rich Alvarez na si Toby na maging isang kuya.

 

 

Ayon sa pinost ng singer sa social media: “My heart is broken in levels deeper than you may ever have imagined. Our little angel, please watch over me, your Daddy, and Kuya Toby. Send our hugs and kisses to your 2 siblings in heaven. We love you, our Millie.”

 

 

Nakatanggap si Kyla ng dasal at suporta mula sa kanyang mga kaibigan tulad nina Rachelle Ann Go, Karylle, Mark Bautista at marami pang iba.

 

 

Pitong taong gulang na ang panganay nila Kyla at Rich na si Toby at panay ang hiling daw nitong magkaroon ng kapatid. Noong 2018, dalawang beses na nag-suffer ng miscarriages si Kyla.

 

 

 

***

 

 

NAKA-MOVE on na raw si Kim Domingo sa pagpanaw ng kanyang best friend na si Angelo Fango noong nakaraang taon.

 

 

Inamin ng Kapuso sexy actress na dinamdam niya nang husto ang pagkawala ng best friend niya na katuwang niya sa paggawa ng mga content sa kanyang vlog sa YouTube kunsaan meron siyang higit na 600,000 subscribers.

 

 

“Ngayon kasi maraming nangyaring maganda sa buhay ko, sabi ko ‘Parang ang lungkot lang na kung kailan nandoon na, doon naman nawala.’

 

 

Pero siyempre sabi ko nga, may dahilan naman din si Lord kung bakit nangyari ‘yon. So acceptance din talaga ‘yung kailangan,” sey ni Kim.

 

 

Tatanggap na rin daw ng trabaho si Kim pagkatapos niyang makumplemto ang kanyang bakuna. Sa ngayon daw ay puro virtual muna ang appearance niya sa gag show na Bubble Gang.

 

 

“Nami-miss ko na mag-taping, nami-miss ko nang mapuyat, na nakaka-miss din talaga kasi. Simula noong may pandemic hindi talaga ako nagtrabaho. Kahit studio hindi talaga eh, talagang ngayon pa lang ako ulit babalik,” diin ni Kim.

 

 

***

 

 

NAG-SHARE ang singer na si Halle Bailey sa social media ng first look para sa upcoming live-action Disney film na My Little Mermaid.

 

 

Sa pinost ni Bailey sa Instagram, makikita siya bilang si Ariel with matching mermaid tail sa may dalampasigan ng dagat sa Italy.

 

 

Patapos na raw ang shooting nila ng movie kaya pinayagan siyang mag-post ng photo. Three years in the making daw ang naturang pelikula at tumigl lang daw sila ng ilang buwan dahil sa pandemic last year.

 

 

“And just like that … that’s a wrap. After auditioning for this film when I was 18 just about to turn 19, to now finishing filming through a pandemic when I turned 21 … we have finally made it,” caption ni Bailey.

 

 

Makakasama ni Bailey sa live-action film ng My Little Mermaid ay sina Jonah Hauer-King as Prince Eric; Javier Bardem as King Triton; Melissa McCarthy as Ursula); and Awkwafina as Scuttle.

 

 

Wala pa rang confirmed playdate ang pelikula ayon sa Disney.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Bagong campaign logo ni Robredo, lahat ng kulay welcome

    “KAHIT ano pa ang kulay mo, kung ikaw ay para sa pag-usad ng ating bansa sa ilalim ng isang gobyernong tapat, welcome ka!”       Ito ang sinabi ni Erin Tañada, senatorial campaign manager ng Robredo camp, matapos ang paglulunsad ng bagong campaign logo na nag­dedeklarang hindi na lamang iisa ang kulay nila kundi […]

  • Mag-move on na at pagtuunan ang gagawin ni Pres. BBM: AGOT, no regrets sa pagsuporta kay VP LENI kahit ‘di nanalo

    HINDI man nagwagi bilang pangulo si Vice President Leni Robredo na sinuportahan niya nang todo, wala naman regrets si Agot Isidro sa kanyang naging desisyon.     Alam niya na pumanig siya sa tamang choice at kung hindi siya nagwagi, alam niya na nasa matuwid ang kanyang ipinaglabang kandidato.     Move on na raw […]

  • PVL players sasailalim sa swab test

    Kagaya ng mga pumasok sa bubble sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna ay sasailalim din sa proseso ang 12 koponang sasabak sa unang professional tournament ng (PVL) sa Mayo 8.     Ito ang sinabi kahapon ni PVL president Ricky Palou sa Philippine Sportswriters Association (PSA) online Forum sa pagharap ng liga sa coronavirus […]