• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

KYLIE, binansagan na bilang ‘Thriller Queen’ kaya super react ang netizens

ANG sexy at sensual ng photo ni Kylie Verzosa na kung saan siya ang cover girl ng Esquire Magazine PH for the month of September.

 

 

May tagline ito na ‘Thriller Queen’, dahil siguro sa pinag-uusapan na first lead role niya na erotic thriller film ni Direk Roman Perez na The Housemaid na hatid ng Viva Films at streaming na ngayon sa Vivamax.

 

 

Ang bongga ng supporting cast na binigay kay Kylie na kinabibilangan nina Albert Martinez, Alma Moreno, Louise delos Reyes at Jaclyn Jose, na lalo pang nagdagdag pa mas maging exciting ang movie.

 

 

Maayos ang pagkaka-direk ni Roman Perez at pagkaka-translate ni Eric Ramos sa kuwentong hinalaw sa 2010 South Korean film na may same title, at nag-compete for Palme d’Or sa 2010 Cannes Film Festival.

 

 

Comment naman ng netizens sa kanyang cover pix:

 

“Thriller Queen? Huh?”

“She looks like Ren from the series Animal Kingdom. Hottie!”

“Laswa talagang tingnan ng babaeng to… naging baduy ang Ms. International na title!”

“2021 na, stop policing women’s bodies.”

“LIKE! Walang sumilip! So good job.”

“Pa-daring nang pa-daring. Ano kaya susunod?”

“I miss KV’s BBPH days parang siya yung woman you aspire to be pero ngayon, salamat na lang sa lahat Kylie hahaha.”

“Pansin ko ang kitid ng utak ng mga Pilipino..”

“I like Maxene (Medina) more…pasensual ito eh.”

 

 

Anyway, after ng ‘The Housemaid’, sasabak naman si Miss International 2016 sa comedy-drama movie na Bekis On The Run, kasama sina Diego Loyzaga, Christian Bables, at Sean de Guzman, mula naman ito sa direksyon ni Joel Lamangan.

 

 

Magsisimula na itong mag-streaming sa September 17 sa Vivamax, atin ‘to!

 

 

***

 

 

“HAVE a good day!”

 

 

Madalas nating naririnig o sinasabi ito.  Pero gaano tayo katapat sa pagbitiw ng mga salitang ito?

 

 

Para sa Globe Rewards, ang “Have a good day!” ay hindi lamang isang pagbati.  Ang “good day” o “GDay” ay gaya ng araw-araw na rewards na pwede nating ma-enjoy at i-share sa iba para makapagbigay saya at makatulong sa mas maraming tao. Ito ang tema ng taunang selebrasyon ng 917 o Setyembre 17 celebration ng Globe. Ang 917 ay ang iconic at orihinal na prefix na gamit ng Globe.

 

 

      “Sa panahong ito na maraming nalulungkot at nahihirapan, patuloy ang Globe Rewards sa paghahanap ng paraan para ma-uplift ang spirit ng aming mga loyal customers at mabigyan sila ng dahilan para ngumiti.  Kaya naman marami kaming inihandang exciting na sorpresa para sa kanila,” sabi ni Bianca Wong na Head ng ‘Feel Valued Tribe’ ng Globe.

 

 

Buong buwan ng Setyembre ay maraming exciting na events, prizes, at freebies ang pwedeng ma-experience ng Globe subscribers. Kaya sinisiguro ng Globe Rewards na bawat araw ng buong buwan ay maging isang GDay. Ngayong taon, gusto rin ng Globe Rewards na maging paraan para makatulong ang bawat isa sa kapwa nating Pilipino na nangangailangan.

 

 

Agosto pa lang ay nagsimula na ang mga sorpresa sa pagbubukas ng G Legends Cup, isang amateur gaming tournament kung saan ang magwawaging grupo ay makakakuha ng premyo hindi lamang para sa kanila, kungdi para rin sa kanilang komunidad.

 

 

Tuloy-tuloy ang kasiyahan sa buong buwan ng Setyembre para sa mga Globe at TM customers sa inaabangang G Chance the Raffle kung saan araw-araw ay may pwedeng manalo. At sa Grand Raffle sa ika-20 ng Setyembre, ang mapalad na magwawagi ay makakatanggap ng P1 Million GCash Credits. Ilulunsad din ang G Summit para sa mga nais matuto ng pagpapalago ng negosyo sa pamamagitan ng digital solutions, at para sa mga mahilig mag-shopping, magaganap ang kauna-unahang G Super Sale na isang exclusive partnership ng Globe at Lazada. Ang mas pinalaking G Music Fest ay magaganap muli, tanghal ang maraming local at international artists upang maghatid ng saya sa kanilang musika.

 

 

Ang layunin ng #GDayEveryday ay nakapaloob sa maikling video na ginawa para hikayatin ang bawat isa na mag-enjoy at magtulungan. Mapapanood sa video kung paano ang kahit na maliliit na bagay gaya ng musika, palaro, at iba-ibang klaseng freebies ay maaaring makagaan sa pang-araw-araw na buhay, lalo na kapag ang mga ito ay ibinabahagi rin sa iba.

 

 

Gaya nga ng mensahe ng video, “A good day is better when shared sa iba kasi nag-enjoy ka na, nakatulong ka pa.  Mas rewarding ang feeling kung kasama sila, di ba?”

 

 

Sa Globe Rewards, Atin ang GDay araw-araw. Ang Rewards ko, para rin sa iyo! Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang https://www.globe.com.ph/rewards.html.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Pagdami ng miyembro ng Pag- Ibig, indikasyon na maraming mga Pinoy ang nais na magkaroon ng sariling tahanan -PBBM

    PATULOY ang pagdami  ngayon ng mga miyembro ng  Pag-IBIG Fund Ngayon.     Sinabi ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr. na ito’y isang indikasyon na sadyang maraming mga Filipino ang may interes na magkaroon ng sariling bahay.     Ayon sa Pangulo, may market ang pabahay at tama lang aniya na tinutugunan ng gobyerno ang […]

  • Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa: RABIYA, hahanaping muli ang kanyang ama sa Amerika

    HAHANAPING muli ni Rabiya Mateo ang kanyang ama sa Amerika.   Balak ng beauty queen/actress na lumipad patungong Amerika sa kaarawan niya sa Nobyembre para hanapin ang kanyang ama na lumisan noong limang taon pa lamang si Rabiya.   “I tried to look for him, even yung mga kasing-last name niya na taga-Chicago mine-message ko […]

  • Nakatulong ang tiwala kay Ruru kahit kabado: JILLIAN, na-enjoy nang husto ang ginawang crossover sa ‘Black Rider’

    BONGGA naman talaga ang crossover sa GMA, kaya napanood si Jillian Ward bilang si Dra. Analyn Santos ng ‘Abot Kamay Na Pangarap’ sa ‘Black Rider’ ni Ruru Madrid as Elias.     Na-excite si Jillian sa bagong experience niyang ito.   “Actually po, nag-action na rin ako noong bata ako sa Captain Barbell. Doon naman, […]