• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LA Tenorio sumailalim sa opera

KAHIT ang Iron Man, kailangan ding maglangis ng mga pumapalyang piyesa. Kaya si LA Tenorio, nagpasya na ipaopera na ang lumalang sports hernia na nakuha pa sa finals ng PBA Commissioner’s Cup.

 

Martes sumalang sa surgery ang Tinyente ng Ginebra, wala na sa sidelines sa 109-104 win ng team kontra Terrafirma sa Ynares Center-Antipolo noong Miyerkoles. “He had surgery I think yesterday, and he’ll be in the hospital for the next few days,” balita ni coach Tim Cone.

 

Mula apat hanggang anim na linggo ang recovery period, posibleng out na si Tenorio sa nalalabi pang kampanya ng Gins sa pagdepensa sa korona ng Governors Cup.

 

Walang palya sa laro sa loob ng 17 years si Tenorio, 38. League record ang kanyang 744 straight games – bago napilitang gumarahe sa huling apat na laro ng Ginebra. (CARD)

Other News
  • PBBM, ipinag-utos na rebisahing mabuti ang minimum wage rates

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa pagrerepaso o pagsusuri sa minimum wage rates sa bawat rehiyon. Ang direktibang ito ng Pangulo ay bahagi ng kanyang naging talumpati ngayong araw, Mayo 1, kasabay ng pagdiriwang ng Labor Day o Araw Ng Manggagawa sa isang President event sa Palasyo ng Malakanyang. Sa kanyang Labor Day […]

  • Operasyon ng ABS-CBN, tuloy kahit mapaso ang prangkisa – NTC

    Binigyang katiyakan ng National Telecommunications Commission (NTC) na makakapag-operate ang TV Giant ABS-CBN kahit pa man mapaso na sa Mayo 4, 2020 ang kanilang legislatve franchise.   Ang pagtiyak ni NTC Commissioner Gamaliel Cordoba sa mga mambabatas sa isinagawang pulong ng House Committee on Legislative Franchises kung saan inilatag ang magiging ground rules sa pagdinig […]

  • Ospital sa NCR mapupuno sa Agosto

    Posible umanong magkapunuan o umabot ng full capacity ang mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) sa kalagitnaan ng Agosto kung hindi kaagad magpapatupad ang national government ng community quarantine restrictions.     Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, base sa projections mula sa Thailand, Malaysia at Vietnam, ang health care utilization rate […]