Laban ng Pilipinas at Vietnam nagtapos sa 1-1 draw
- Published on December 20, 2024
- by @peoplesbalita
NAGTAPOS sa 1-1 draw ang laban ng Philippine Men’s Football Team laban sa Vietnam sa ASEAN Mitsubishi Electric Cup na ginanap sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.
Unang nakapagtala ng goal ang Pilipinas sa pamamagitan ni Jarvey Gayoso sa loob ng 68th minuto ng laro.
Nagdiriwang na sana ang Pilipinas hanggang makapasok ng goal ang Vietnam sa natitirang 98 minuto ng laro.
Inamin ni men’s football head coach Albert Capellas na labis ito ng nalulungkot sa kaniyang manlalaro.
Ninanais kasi nilang makuha ang panalo subalit lubhang hindi pumabor sa kanila ang nasabing kapalaran.
May tsansa pang makapasok sa semfinals ang Pilipinas kapag sila ay mananalo laban sa Indonesia.
Huling tinalo ng Pilipinas ang Vietnam ay noong 2012 Suzuki Cup sa Bangkok sa score na 1-0.
Ito na ang pangatlong draw na laban ng Pilipinas kung saan mayroon pa silang huling laban sa darating na Sabado, Disyembre 21 laban sa Indonesia.
Nasa pang-apat na puwesto ang Pilipinas sa Group B na mayroong tatlong puntos habang nasa una ang Vietnam na mayroong 7 points, sinundan ng Indonesia na mayroong apat puntos at Myanmar na mayroong apat na puntos habang nasa pang-limang puwesto ang Laos na mayroong dalawang puntos.
-
Comelec walang kapangyarihan na tumanggi sa voter registration extension – Lagman
Binigyan diin ni Albay Rep. Edcel Lagman na hindi maaring tumanggi ang Commission on Elections (Comelec) sa extension ng voter registration process. Sa ilalim kasi aniya ng iniakda niyang batas, ang Republic Act No. 8189 o “The Voter’s Registration Act of 1996,” mayroong hanggang Enero 9, 2022 ang poll body para isagawa ang […]
-
Ads May 29, 2023
-
Mass resignation sa AFP, namumuo?
KUMAKALAT ngayon ang alingasngas sa umano’y mass resignation ng mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos tanggalin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nakaluklok na Chief of Staff at muling ibalik ang heneral na dati nang namaalam sa posisyon. Ayon sa kumakalat na report, namumuo ang destabilisasyon matapos i-reappoint ni […]