• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Labis-labis ang pasasalamat sa GMA-7: WILLIE, nilinaw ang balitang kumukuha na ng mga stars para sa bagong TV network

BAGO tuluyang nagpaalam si Willie Revillame last Friday sa Wowowin: Tutok To Win, ipinahayag muna niya ang labis-labis at taos-pusong pasasalamat kay Atty. Felipe L. Gozon at sa management ng GMA Network na naging tahanan niya for almost eight years. 

 

 

Nilinaw ni Willie na hindi totoo ang mga balitang kumukuha na siya ng mga artistang dadalhin sa bagong tv network na pag-aari ni former Senator Manny Villar. 

 

 

Sa pag-uusap daw nila, frequency pa lamang meron ang bagong network pero wala pa silang nakahandang programa o ang magiging content nito, wala pa rin silang transmitter na gagamitin  para makapag-broadcast sila sa buong Pilipinas.

 

 

      “Ayaw ko po namang habang nagso-show pa ako sa GMA, pagkatapos ay lilipat ako sa bagong network para magtrabaho rin sa kanila,” paliwanag pa ni Willy.

 

 

“Kaya sa ngayon po ay patuloy pa rin kaming magpapasaya sa mga manonood ng Tutok To Win, sa pamamagitan ng live streaming sa Facebook at YouTube, wala na nga po lamang kami sa TV. 

 

 

Kaya maraming-maraming salamat po sa inyo sa pagtangkilik ninyo sa amin, magkikita-kita pa po tayo muli!”

 

 

***

 

 

YESTERDAY, February 13, sa Valentine’s Day presentation ng All-Out Sundays, ipinakilala na ang five pairs ng young love teams ng Sparkle GMA Artists.

 

 

Sila ay sina Allen Ansay at Sofia Pablo, Althea Ablan at Bruce Roeland, Abdul Rahman at Shayne Sava, Janus Zabarte at Zonia Mejia, at sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.

 

 

Sa ngayon ay nasa GMA Afternoon Prime series na Prima Donnas sina Allen, Sofia, Althea at Bruce.  Sina Janus at Zonia ay nagtambal na sa Heartful Café kasama sina Julie Anne San Jose at David Licauco.

 

Katatapos lamang mapanood ang love team nina Mavy at Kyline sa primetime series na I Left My Heart In Sorsogon.

 

 

Sina Shayne at Abdul na produkto ng StarStruck ay nagtambal na sa Legal Wives pero ngayon ay muli silang magkakasama sa Raising Mamay na makakasama nila si Ai Ai delas Alas. 

 

 

Ang bagong serye ang nagpaaga sa pagbabalik ni Ai Ai mula sa US vacation niya, at last Saturday ay nagkaroon na sila ng story conference with the production team lead by Director Don Michael Perez. 

 

 

Abangan natin kung sinu-sino pa ang bubuo sa cast, kung ano ang magiging story nila at very soon ay magsisimula na sila ng lock-in taping.

 

 

***

 

 

WORLD premiere na tonight ng pinakakaabangang sequel ng top-rating primetime series in 2021, ang First Lady starring Gabby Concepcion and Sanya Lopez after ng 24 Oras.

 

 

Dahil nagtapos ang romantic-drama series na First Yaya na ikinasal na si Yaya Melody kay President Glenn Acosta, or si PGA, naging “First Lady” na si Melody.

 

 

Mas malaki ang cast ng First Lady na dinidirek pa rin ni LA Madridejos, dahil bukod sa original cast, isa sa mga nadagdag ay si Alice Dixson as Ingrid Domingo, na dati palang girlfriend ni PGA noong nag-aaral pa sila ng law sa USA.

 

 

Pero bakit siya nagbalik sa buhay ni PGA ngayong may asawa na ito?

 

 

Happy naman si Gabby na muling makasama sa trabaho si Alice na una niyang nakasama sa Nagbabagang Luha. 

 

 

Ganoon din naman si Alice, dahil nasundan pa ng iba pang movies ang una nilang pagtatambal ni Gabby.  Masaya  si Alice na first time makatrabaho si Sanya.

 

 

      “Sanya is a delight to work with, she’s a lovely person on the set,” kuwento ni Alice.

 

 

“Magsisimula kaming friends, pero hindi niya alam may hidden agenda ako sa kanya.  But I’m so happy na napasama ako sa First Lady.”

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • ‘Tiny bubbles’ policy sa MECQ mananatili

    Mananatili  pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties.     Ang paalala ay ginawa ni PNP Chief Gen. Guil­lermo  Eleazar para sa publiko partikular sa mga residente sa National Capital […]

  • Temporary at improvised plates hindi na papayagan simula Aug. 1

    NAGLABAS ang Land Transportation Office (LTO) ng Memorandum Circular No. VDM-2024-2721 para sa guidelines ng paggamit ng improvised at temporary plates. Nakasaad dito na hindi na papayagan ang paggamit ng improvised at temporary plates simula sa darating na August 1. “The absence of backlog in the production of motor vehicle plates vis-à-vis our continuous improvement […]

  • DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost

    TINIYAK ng  Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang  pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas.     Sinabi ni  DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga  rice farmers  dahil na rin sa pagtaas ng presyo […]