Labis-labis ang pasasalamat sa mga parangal na natanggap: YASMIEN, kinilala naman bilang ‘Top Actress of the Year’ sa Brand Asia Awards
- Published on December 9, 2022
- by @peoplesbalita
CONGRATULATIONS to “Start-Up PH” actress na si Yasmien Kurdi!
Labis ang saya ni Yasmien sa panibagong papuri at karangalan na kanyang natanggap bilang isang actress, last December 3, kinilala siyang “Top Actress of the Year” mula sa Brand Asia Awards.
Ayon sa Instagram caption ni Yasmien: “Top Actress of the Year. Thank you Brand Asia Awards for this recognition. I am extremely honored to receive this prestigious award. Maraming salamat po! To God Be The Glory”
Sa comment section ng post ni Yasmien, binati siya ng husband niyang si Rey Soldavilla at ng kanyang mga fans at followers.
Kung matatandaan, last March, 2022, pinarangalan din si Yasmien bilang Asia’s Valuable and Significant TV Actress of the Year sa 5th Asia Pacific Luminare Awards. At last October, kinilala naman ng Diamond Excellence Awards si Yasmien bilang Outstanding TV Actress of the Year. Kaya labis ang pasasalamat ni Yasmien sa mga awards na natanggap niya this 2022.
Napapanood ang “Start-Up Ph” nina Alden Richards, Bea Alonzo at Yasmien gabi-gabi, 8:50PM after “Maria Clara at Ibarra, sa GMA-7.
***
TANONG ng mga netizens, ano ang upcoming ‘mega serye’ ng GMA Network na “Urduja Files?”
Excited ang mga viewers dahil bukod sa mga bigatin ang bumubuo sa cast na ipinakita na sa video kuha mula sa story conference nila the other day, sa Chika Minute ng “24 Oras.” Si Kylie Padilla kasi ay gaganap na isang pulis, si Sanya Lopez naman ay ang legendary Princess Urduja at si Gabbi Garcia ay isang jeweller at may konting drama ang kanyang story.
“Tungkol ito sa drama, sa love story, historical din at fantasy, at halos action. Pwede rin itong pambata, matanda, mommy, daddy, buong pamilya, talagang magkakasundo sila kapag pinanood ito,” dagdag pa ni Sanya.
Balitang ngayong December na nila sisimulan ang taping ng “mega serye” na magtatampok din sa mga Kapuso hunk actors, at si Zoren Legaspi.
***
PANSAMANTALA na bang iniwan ni Jeffrey Hidalgo ang pagkanta na sinimulan niya noong 1989, bilang isa sa miyembro ng group na itinatag ni Maestro Ryan Cayabyab, ang Smokey Mountain?
Busy na kasi ngayon si Jeffrey bilang isang director at actor. Unang movie na dinirek niya ang “Silong” nina Piolo Pascual at Rhian Ramos in 2015. Nasundan na ito ng pagdidirek niya for Vivamax, with “Eva” ni Angeli Khang and “Lampas Langit” with Christine Bernas and Ricky Davao. Dito nanalo si Direk Jeffrey ng Best Director Award sa International Filmfest Manhattan.
Sa TV, naidirek niya ang “Inday Will Always Love You” at “TODA One I Love” sa GMA Network.
Naging TV actor din siya sa soaps like “Kadenang Bulaklak,” “Pangako sa “Yo” at ang latest serye niya, na kasalukuyang ipinalalabas ngayon, ang “Flower of Evil.”
Kasabay din ito ng pagiging actor niya sa Viva Metro Manila Filmfest horror entry, ang “Deleter,” at ito ang biggest movie role niya. Ang deleter daw ay basically editors, their job is to delete scenes from video content submitted to them that might offend viewers, like bloopers or shots with wrong angles. A techno-horror film and a mysterious death occurs in the story and that’s how all the scary scenes begin.
Kumusta naman sila ni Geneva Cruz, na kasama niya noon sa Smokey Mountain?
“We have remained good friends ni Geneva since then. Noong mga teenagers pa kami, nanligaw ako sa kanya pero binasted niya ako. We’re very comfortable with each other pa rin ngayon and we love Boracay kaya lagi kaming may beach photos together in her Instagram account.”
(NORA V. CALDERON)
-
South Koreans na bibisita sa Pinas, lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon
BILANG ng turistang South Koreans na bibisita sa Pilipinas sa susunod na taon, inaasahang lalagpasan ang bilang mula sa pre-pandemic na level na nasa 2 milyon. Naniniwala si Quezon City Rep. Marvin Rillo na maaapektuhan ang maiksing panahon ng pagkakadeklara ng martial law sa South Korea sa pagnanais milang bumisita sa Pilipinas sa […]
-
Ginebra nasungkit din ang PBA All-Filipino crown makalipas ang 13-yrs
Inabot din ng 13 taon bago muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang most coveted title na All-Filipino crown matapos talunin ang TNT Giga sa Game 5, 82-78. Hindi na pinakawalan pa ng Ginebra ang abanse mula sa second half hanggang sa pagtatapos ng game sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena and […]
-
Ni-reveal ang couple tattoo sa kanilang mga kamay: BIANCA, ‘di nakatiis sa pangungulila kay RURU kaya nagpunta rin ng Seoul
HINDI talaga matiis ng dalawang Kapuso actresses ang kanilang mga partners. Ang mga ‘Running Man PH; mates na sina Mikael Daez at Ruru Madrid. Nauna na si Megan Young ilang Linggo lang ang nakalilipas nang surpresahin nito ang asawang si Mikael at ‘di na matiis ang halos isang buwan nilang pagkakahiwalay. Pero […]