• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ginebra nasungkit din ang PBA All-Filipino crown makalipas ang 13-yrs

Inabot din ng 13 taon bago muling nasungkit ng Barangay Ginebra ang most coveted title na All-Filipino crown matapos talunin ang TNT Giga sa Game 5, 82-78.

 

Hindi na pinakawalan pa ng Ginebra ang abanse mula sa second half hanggang sa pagtatapos ng game sa PBA bubble na ginanap sa AUF Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.

 

Tinanghal na best player of the game si Japeth Aguilar na kumamada ang 32 big points bilang kanyang career high at may dagdag na nine rebounds.

 

Binigyan naman ng kredito ni Aguilar sa tibay din ang Giga na kahit kulang ng players ay pinahirapan din sila.

 

Nitong game hindi pa rin nakalaro sina Bobby Ray Parks Jr. at si Jayson Castro.

 

“I want to give credit to TNT, alam namin they are down on injuries pero ready talaga silang lumaban,” pahayag pa ni Aguilar.

 

Samantala, ang ika-13 korona ng Gin Kings ay lalong nagpatibay kay head coach Tim Cone bilang winningest coach para sa kanyang ika-23 titulo sa PBA.

 

Sa kanyang talumpati inialay ni Cone ang korona sa mga fans, kasabay nang kanyang pagbabalik tanaw sa hirap na dinaanan ng kanilang team lalo na ang isa sa veteran player na si LA Tenorio na bago lamang inoperahan (appendectomy) sa pagsisimula ng tanging torneyo sa taong 2020.

 

“They found a way to win, I’m so proud of them… amazing, amazing feat.” pagbubunyi pa ni Cone sa mga players.

 

Tinanghal pa bilang PBA Press Corps Honda Finals MVP si Tenorio na merong average na 13.6 points per game at 6.2 assists at 2.8 rebounds sa loob ng limang games sa Finals ng 2020 Philippine Cup.

 

Kahit matagal na si Tenorio sa liga ito pa lamang ang kanyang kauna-unahang All-Filipino title.

 

Sa kabilang dako ito na ang ikalawang sunod na kampeonato ng Ginebra na namayani rin sa 2019-20 Governors Cup noong buwan ng Eero.

 

Narito ang scores:

 

Barangay Ginebra 82 – Aguilar 32, Pringle 13, Tenorio 10, Dillinger 8, Thompson 6, Mariano 5, Chan 3, Caperal 3, Devance 2, Tolentino 0

 

TNT Giga 78 – Pogoy 23, Erram 18, Enciso 17, Rosario 12, De Leon 6, Vosotros 2, Carey 0, Reyes 0, Montalbo 0, Washington 0

 

Quarters: 19-19, 38-36, 55-56, 82-78

Other News
  • Bukod sa nag-e-enjoy din sa pagpi-piano… DINGDONG, happy and proud sa bagong discovery ni ZIA na pangangabayo

    NAKIPAG-BONDING ang Dantes Squad, ang mag-asawang Kapuso Primetime King & Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa GMA boss na si Attorney Annette Gozon-Valdez, Kim Atienza at iba pang mga kaibigan nila sa Leviste Equestrian Park noong Linggo.       Halatang natuwa at proud si Dingdong sa anak nila na si Zia […]

  • Chua matigas kay Slaughter

    BINUNYAG ni San Miguel Corporation sports director Alfrancis Chua na si Gregory William Slaughter ang hindi kumausap sa kanila para sa contract extension sa Barangay Ginebra San Miguel.   Ayon sa BGSM governor at team manager din, hindi nagpakita si ‘Gregzilla’ sa kanilang opisina sa Manfaluyong isang linggo matapos magkampeon ang Gin Kings sa 44th […]

  • 2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan

    DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw.     Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod.     […]