Labor Day: ‘Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan’ culminating activity, isinagawa
- Published on May 4, 2022
- by @peoplesbalita
KASABAY sa paggunita sa “Labor Day” ngayong araw, May 1, isinagawa rin ang culminating activity ng “Duterte Legacy: Barangayanihan Caravan.”
Pinangunahan ito ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at Philippine National Police (PNP), kasama ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Ginanap ang nasabing aktibidad sa People Power Monument sa Quezon City at may temang “Pagkakaisa ng Mamamayan at Pamahalaan Tungo sa Pagbangon, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Dinaluhan ito nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, DILG Spokesperson USec. Jonathan Malaya, USec. Joel Egco at PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, gayundin ang iba pang opisyal ng pamahalaan at iba’t ibang stakeholders.
Layon ng Duterte Legacy Caravan para ipaalam sa publiko ang iba’t ibang proyekto ng pamahalaan sa ilalim ng liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte partikular ang mga naidulot na pagbabago sa mga programa ng pamahalaan at ang pagbibigay ng mga basic services sa ating mga kababayan.
“This is in compliance with Executive Order (EO) No. 137 that institutionalized the ‘Aid and Humanitarian Operations Nationwide Convergence Program’ to enhance agency coordination and collaboration in the distribution of assistance to the Filipino people,” ayon sa DILG.
Ayon naman sa PNP, ang Caravan ay in-intensify sa pamamagitan ng Integrated Sustainable Assistance Recovery and Advancement Program (ISARAP).
Pinasisiguro nito na mabigyan ng tulong at suporta ang mga Pilipino lalo na sa panahon ng emegencys gaya na lamang Coronavirus Disease 2019 pandemic at sa panahon ng kalamidad.
-
PBBM, inalala ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pinoy sa Hawaii
INALALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Filipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986. “I wouldn’t be here were if not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had […]
-
May rekomendasyon ang anak para ‘di na maulit: Pamilya ni EVA DARREN, tinanggap na ang apology ng FAMAS after ng ’snubbing’ incident
TINANGGAP na ng pamilya ng veteran actress na si Eva Darren ang apology na pinadala ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences’ (FAMAS). Nag-viral nga ang sinasabing hindi raw sinasadyang pang-i-snub sa awarding ceremony nitong Linggo na ginanap sa The Manila Hotel, na kung saan pinalitan ng baguhang singer si […]
-
NBI, NAG-IIMBESTIGA SA MGA FIXERS SA BI
PINAKIKILOS na rin ng Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation (NBI) upang imbestigahan ang naiulat na bagong modus sa loob ng tanggapan gn Bureau of Immigratuon (BI). Partikular na ipinag-utos ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga fixers sa BI na iligal na nagpapasok ng mga Chinese national sa pamamagitanm […]