Lacson, Gonzales nagbabala ng ‘destabilization’ kung mananalo si Marcos Jr. sa Halalan 2022
- Published on April 19, 2022
- by @peoplesbalita
KAPWA nagbabala sina Presidential bets Sen. Panfilo Lacson at dating defense secretary Norberto Gonzales sa posibleng mangyaring “destabilization” sa bansa kung mananalo sa pagka-pangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang press conference sa Manila Peninsula, araw ng Linggo, sinabi nina Lacson at Gonzales, kasama ang kapuwa presidential candidate na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, na inaalok nila ang kanilang mga sarili bilang alternatibo sa tinatawag nilang “warring colors” na pula at dilaw.
“Maliwanag ang message namin: we want to offer ourselves. We don’t want Marcos to win because destabilization ang aabutin. Iyan ang aming analysis ni Sec. Gonzales, coming from the security sector. Guguluhin ‘yan,”ayon kay Lacson.
“For the sake of the country, and for the sake of the peace and quiet we all aspire for, dapat mamili sila ng iba, not either one of the two. So, we’re not campaigning for Marcos,” dagdag na pahayag nito.
Para naman kay Gonzales, posible ang destablisasyon kung mananalo si Marcos Jr. bunsod na rin ng maraming isyu na mayroon ang dating senador at pamilya nito.
“I share the sentiment na baka mas maganda, hindi muna isang Marcos ang uupo diyan. Kasi maraming issues na sa tingin ko, makakabigay ng destabilization sa lipunan, not necessarily because Number 2 of today will oppose Number 1 even after the elections,” aniya pa rin.
Sinabi ng dating defense secretary na natatakot siya sa implikasyon ng Marcos victory sa May 9 polls.
Gayunman, hindi naman ito nagbigay ng anumang detalye kung ano ang mga nasabing implikasyon.
Sina Marcos Jr. at Robredo ang mga nangunguna sa pinakahuling pre-election surveys.
Ayon kasi sa pinakahuling March Pulse Asia survey, nananatiling frontrunner si Marcos sa presidential race na mayroong 56% , 32 puntos ang lamang kay Robredo na may 24%.
Dahil sa malawak na margin sa pagitan nina Marcos at Robredo, sinabi ni Gonzales na ito na ang tamang panahon para baguhin ang kandidato na makatatalo kay Marcos.
“Baka kailangan nating palitan ‘yong lumalaban sa Number 1, aniya pa rin.
Isinaboses naman ni Domagoso ang sentimyento ng kanyang mga kapwa kandidato, binatikos ang “pink” campaign ni Robredo bilang paraan na paghiwalay mula sa yellow color na ‘associated’ sa Liberal Party, kung saan siya nananatiling nakaupo bilang chairperson.
“Gusto n’yo bang huwag manalo si Marcos? Withdraw, Leni,” ayon kay Domagoso.
Sa kabila ng panawagan kay Robredo na mag- back out mula sa labanan sa pagka-pangulo, nilinaw ng mga kandidato na hindi sila “anti-Leni.”
“Nagmumukha tayong anti-Leni dito eh… But the reason is not because we’re anti-Leni. The reason is we have been asked to withdraw by the Vice President. Kung si [Marcos Jr.] ang magsasabi sa amin na mag-withdraw, we would be on the same sentiment as today. Kaya lang kami nagre-react, pare-pareho kami ng experience eh. Kung hindi nangyari ‘yan, walang ganito,” ayon kay Gonzales.
“Ang message ko lang is, kung ayaw n’yo kay Marcos, mamili kayo sa amin. Kung ayaw n’yo kay Robredo, mamili kayo sa amin. Huwag kayong mag-confine sa kanilang dalawa,” dagdag na pahayag naman ni Lacson. (Daris Jose)
-
Zero casualty target sa COVID-19 vaccine
Target ng gobyerno ang zero casualty sa oras na mag-umpisa ang pagbabakuna kontra COVID-19. Tiniyak din ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mas mag-iingat ang Pilipinas sa pagpili ng bakuna na gagamitin para sa mga senior citizens matapos na 23 matatanda sa Norway ang nasawi nang mabakunahan ng Pfizer dahil sa adverse reactions. “Ang […]
-
Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas
MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities. Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na […]
-
Navotas nakatanggap ng 250 doses ng pneumococcal vaccine mula sa DOH
NAGBIGAY ang Department of Health (DOH sa pamamagitan ng pagsisikap ni dating Congressman at ngayo’y si Navotas City Mayor John Rey Tiangco ng 250 doses ng pneumococcal vaccine para sa Pamahalaang Lungsod. Ibinunyag ng DOH na ang pneumococcal vaccine ay isa sa pinakamabisang bakuna kontra sa malubha at potentiall fatal pneumonia infections na […]