• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lady Eagles sisimulan ang title defense vs Lady Spikes

SISIMULAN ng reigning champion Ateneo de Manila University ang pagdepensa sa titulo sa pagharap sa De La Salle University sa pagsisimula ng UAAP Season 84 women’s volleyball tournament nga­yong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

 

 

Magtutuos ang Lady Eagles at Lady Spikers sa alas-4 ng hapon kung saan inaasahang dudumugin ang venue matapos ang ilang taong paghihintay sa pagbabalik aksyon ng collegiate volleyball.

 

 

Magsisilbing pambuenamano naman ang salpukan ng University of Santo Tomas at Far Eas­tern University sa alas-10 ng umaga kasunod ang duwelo ng National University at Adamson University sa alas-12 ng tanghali.

 

 

Huling papalo ang banggaan ng University of the Philippines at University of the East sa alas-7 ng gabi.

 

 

Tutok ang atensiyon sa Lady Eagles at Lady Spi­kers na mortal na magkaribal sa liga.

 

 

Kukuha ng lakas ang Ateneo kina team captain Dani Ravena, Jaja Maraguinot, Vanie Gandler at Faith Nisperos para sa tangkang madepensahan ang kanilang titulo.

 

 

Alam ni Lady Eagles head coach Oliver Almadro na mas matinding laban ang kanilang haharapin sa season na ito.

 

 

Subalit handa ang kanyang tropa na gawin ang lahat para mapanatili sa Katipunan ang kampeo­nato.

 

 

‘We’re all excited. One game at a time ang approach ng team and hopefully maganda ang maging resulta ng bawat laro namin,” ani Almadro.

Other News
  • Pagtiyak ng DFA: New York hindi ‘dangerous city’ para sa mga Filipino

    TINIYAK ng  Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipinong naninirahan at bumibyahe patungong New York City na hindi mapanganib ang nasabing lungsod.     Ang pahayag na ito ni DFA Acting Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs Eduardo Jose de Vega ay pagkatig sa sinabi ni Philippine Consul General in New York Elmer Cato na […]

  • DICT nakatutok sa PhilHealth hackers na humihingi ng $300,000 ransom

    KINUMPIRMA ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na may impormasyon na ito tungkol sa grupong nasa likod ng cyber attack sa PhilHealth nitong Biyernes.     Binanggit ni DICT Undersecretary Jeffrey Dy na kilala na ng ahensya ang nasa likod ng pag-hack ng impormasyon ng PhilHealth at ang nagdedemanda ng ransom kapalit nito. […]

  • Ilegal na droga, national issue sa bansa; military, dapat lang na makasama sa anti-illegal drugs operations- PDu30

    SINABI ni Pangulong  Rodrigo Roa  Duterte  na ang  ilegal na droga  sa bansa ay national security issue kaya’t  marapat lamang na makasama sa anti-illegal drugs operations ang militar.   Sa public address ni Pangulong Duterte, Lunes ng gabi ay sinabi nito na 200 hanggang 300 drug suspects ang nahuhuli araw-araw .   Giit ng Chief […]