• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lady Stags, Lady Bombers magpapang-abot sa stepladder

IBUBUHOS ng San Se­bas­tian at Jose Rizal Uni­ver­sity ang itinatagong la­kas sa kanilang do-or-die match upang umabante sa second round ng stepladder semis ng NCAA Season 97 women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Magpapang-abot ang Lady Stags at Lady Bom­bers ngayong alas-2 ng ha­pon kung saan ang ma­na­nalo ang haharap sa nag­dedepensang Arellano La­dy Chiefs sa second round ng stepladder.

 

 

Una nang umusad sa fi­nals ang season host na St. Benilde na awtomati­kong nakasikwat ng tiket sa best-of-three championship series matapos ma­kum­pleto ang 9-0 sweep sa eliminasyon.

 

 

Galing ang San Sebastian sa 25-15, 25-22, 27-25 paggupo sa Letran upang angkinin ang No. 3 seed sa semis.

 

 

Nauna nang na­itarak ng Lady Stags ang 24-26, 19-25, 32-30, 25-5, 15-11 pa­nalo kontra sa Lady Bombers sa eliminasyon noong Hunyo 22.

 

 

Dumaan sa bu­tas ng ka­­­rayom ang JRU matapos kubrahin ang 25-11, 16-25, 17-25, 25-21, 17-15 panalo laban sa Lyceum para sa huling semis seat.

 

 

Desidido rin ang Lady Bombers na makabawi sa Lady Stags.

 

 

“Malakas ang San Sebastian kaya kailangan na­­ming maging consistent lalo na sa depensa,” wika ni Lady Bombers’ head coach Mia Tioseco.

Other News
  • Gawilan bigo sa medalya

    Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya.     Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center.     Bigo rin siyang makaabante […]

  • 2.04 milyong Pinoy, tambay noong Abril — PSA

    TUMAAS ang bilang ng mga Filipino na walang trabaho noong Abril ngayong taon.     Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 2.04 milyon ang mga Pinoy na 15-anyos pataas ang walang trabaho na mas mataas kumpara sa 2 milyon na naitala noong Marso.     Sabi ni […]

  • LeBron at Lakers lumakas ang loob na babandera muli sa NBA dahil sa 11 bagong teammates

    Lumakas daw ang loob ngayon ng Los Angeles Lakers na makabangon mula sa pagkabigong maidepensa ang kanilang korona noong nakalipas na NBA season.     Ito ay makaraang makuha ng team ang umaabot sa 11 mga bagong players kasama na ang dating MVP na si Russell Westbrook mula sa Wizards.     Ang ilan sa […]