• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Lahar’ posibleng umagos uli sa Negros Island buhat ng matinding ulan — Phivolcs

NAGBABALA ang state volcanologists tungkol sa muling pag-agos ng “volcanic sediment flows” o lahar buhat ng mga tinatayang pag-ulan ngayon sa Negros Island, ito ilang araw matapos ang pagsabog ng Bulkang Kanlaon.

 

 

 

Ito ang ibinahagi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolca) ngayong Huwebes ngayong tinataya ng PAGASA ang ilang thunderstorms sa isla ngayong araw.

 

 

“These rains could generate lahars, muddy streamflows or muddy run-off in the above-mentioned and other rivers draining the southern Kanlaon edifice,” ayon sa isang pahayag ng PAGASA kanina.

 

 

Kabilang na rito ang mga sumusunod:

Tamburong Creek

Intiguiwan River at upstreaam Baji-Baji Falls

Padudusan Falls

Binalbagan River

 

 

Una nang kumalat sa social media ang mga video at litrato ng mga nabanggit.

 

 

“The lahars were generally channel-confined, but flows along Tamburong Creek overflowed and dumped a few centimeters of deposit on a stretch of the main road in Biak-na-Bato, rendering this impassable to motorists,” wika ng Phivolcs.

 

 

Payo ng mga dalubhasa ang maging mapagmatyag at handa ng mga komunidad lalo na sa paligid ng mga ilog na nagde-drain sa katimugan ng Kanlaon.

 

 

Inaabisuhan din sa ngayon ang mga naturang komunidad na patuloy bantayan ang lagay ng panahon at magsagawa ng karampatang aksyon kung saka-sakaling tamaan ng lahar.

 

 

Naitala ng Phivolcs ang sumusunod sa nakaraang 24 oras sa paligid ng naturang bulkan:

 

volcanic earthquakes: 27

sulfur dioxide flux: 3464 tonelada / araw

plume: 1500 metrong taas; malakas pagsingaw; napadpad sa hilagang-kanluran,timog-silangan at timog-kanluran

ground deformation: pamamaga ng bulkan

 

 

Ipinaalalang uli ng state volcanologists na bawal pa rin ang pagpasok sa apat na kilometrong (4 km) radius permanent danger zone o PDZ at paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

 

 

Babala pa ng Phivolcs, nariyan pa rin ang baanta ng mga biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions lalo na’t nasa Alert Level 2 pa rin ang Kanlaon.

 

 

Umabot na sa 2,400 residente ang naapektuhan ng pagsabog ng bulkan nitong Lunes, dahilan para mapalikas ang 1,669 katao ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council. (Daris Jose)

Other News
  • Never naihayag at ‘di nakaporma… PIA, nagustuhan din ni ALDEN bukod kay MAINE

    HINDI lamang pala kay Maine Mendoza nahulog ang loob ni Alden Richards sa mga panahong regular host pa ang Pambansang Bae sa Eat Bulaga!   Muntik palang magkaroon ng AlPia, bukod sa AlDub nina Alden at Maine, dahil nagkagusto pala si Alden kay Pia Wurtzbach.   Sa guesting niya sa “Fast Talk with Boy Abunda” […]

  • BULAKENYO FALLEN HEROES

    Binisita nina Gobernador Daniel R. Fernando, Bise Gob. Alexis C. Castro, Punong Bayan ng San Miguel Roderick D. Tiongson, at Special Assistant to the Governor Michael Angelo Lobrin sa Glory to God Funeral Services sa San Miguel, Bulacan ngayong araw ang mga labi ng limang Bulakenyong rescuer na nagbuwis ng kanilang buhay habang gumaganap sa […]

  • Kelot na suspek sa pagpatay sa bebot sa Valenzuela, timbog

    ARESTADO ang isang construction worker na pangunahing suspek na pumatay sa isang babae at malubhang ikinasugat ng kasama nito makaraang masukol ng pulisya sa kanyang tirahan sa Valenzuela City.         Sa ulat, inabangan ng mga tauhan ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang 40-anyos na si alyas “Rey”, sa kanyang pag-uwi […]