Lahat ng ASEAN states, umaasa na maisasapinal na ang Code of Conduct para sa SCS-PBBM
- Published on May 13, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na binanggit ng lahat ng mga ASEAN member states ang Code of Conduct (COC) sa South China Sea (SCS) sa isinagawang Summit ng regional body sa Indonesia.
Iyon ay dahil umaasa ang lahat ng ASEAN nation na maisasapinal na ang COC bilang “legally binding pact.”
“We’re waiting for the continued work being developed, that is being done to develop the framework for the Code of Conduct but ASEAN, halos lahat, lahat kami brought it up,” ayon kay Pangulong Marcos.
“Sana naman andiyan na ‘yung Code of Conduct para maging maliwanag ang mga posisyon ng ibang bansa, ng China, alam natin ‘yung gagawin, what are the rules, so that’s a continuing… Lahat umaasa na matapos na ‘yung COC,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.
Ang panukalang Code of Conduct ay naglalayong pigilan o hadlangan ang “overlapping claims” sa “potentially oil-rich region” at mauwi sa malala at marahas na komprontasyon o isang “economically devastating major conflict.”
Samantala, patuloy na isinusulong ni Pangulong Marcos ang pagsasapinal ng COC, sabay sabing dapat lamang na panindigan ang United Nations Convention on the Law of the Sea bilang universal framework sa mga aktibidad sa karagatan. (Daris Jose)
-
Recto, nanumpa na bilang Kalihim ng DoF
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF). Si Pangulong Marcos ang nangasiwa ng oath of office ni Recto sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Enero 11. Dahil dito, opisyal nang kasama […]
-
7 durugista nabitag sa drug ops sa Valenzuela
PITONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang bebot ang nalambat ng pulisya sa magkakahiwalay na drug operation sa Valenzuela. Ani PCpl Pamela Joy Catalla, alas-5 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Joel Madregalejo ng buy bust operation sa San Vicente St., Brgy. […]
-
Digital version ng National ID tatanggapin sa passport application – DFA
TATANGGAPIN na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang printed digital version ng PhilSys ID o mas kilala sa tawag na national ID, bilang valid identification card para sa mga aplikante ng pasaporte. Sa isang pahayag noong Biyernes, sinabi ng DFA na kikilalanin ng Office of Consular Affairs simula Oktubre 21, ang digitized […]