Recto, nanumpa na bilang Kalihim ng DoF
- Published on January 13, 2024
- by @peoplesbalita
OPISYAL nang nanumpa sa harap ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si House Deputy Speaker Ralph Recto bilang Kalihim ng Department of Finance (DoF).
Si Pangulong Marcos ang nangasiwa ng oath of office ni Recto sa isang seremonya sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Biyernes, Enero 11.
Dahil dito, opisyal nang kasama si Recto sa mga tao ng administrasyong Marcos.
Nauna rito, mismong si Communications Secretary Cheloy Garafil ang nagkumpirma sa pamamagitan ng text message ang magaganap na panunumpa ni Recto para sa kanyang bagong tungkulin, ngayong araw ng Biyernes, Enero 11 sa harap ni Pangulong Marcos sa Palasyo ng Malakanyang.
Kinumpirma rin ni dating Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang bagong posisyon ng kanyang asawa.
Samantala, nanumpa rin sa kanyang tungkulin si Frederick Go bilang Kalihim ng Office of the Special Assistant to the President for Investment and Economic Affairs (OSAPIEA).
Layon ng bagong tanggapan na tiyakin ang epektibong integrasyon, koordinasyon at implementasyon ng iba’t ibang government investment at economic policies.
-
Laking gulat na sinundo sa airport kahit nagti-taping… BIANCA, kinilig sa sweet gesture ng boyfriend na si RURU
AMINADONG kinilig si Sparkle actress Bianca Umali sa sweet gesture ng kanyang boyfriend at kapwa Kapuso actor na si Ruru Madrid nang sorpresahin siya nito. Sa post ni Bianca sa Instagram account niya, sinabi niyang nagsinungaling man si Ruru sa kanya, “it was one of the sweetest moments of my life.” […]
-
PDu30, umaasa na mananatili ang alyansa ng Pinas at US sa pagkakaroon ng bagong US Ambassador to the Philippines
UMAASA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na mananatili ang alyansa ng Pilipinas sa Estados Unidos matapos na magtalaga ng bagong US ambassador. Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay matapos niyang pasalamatan si outgoing US Ambassador to the Philippines Sung Kim para sa naging kontribusyon nito sa pagpapalakas ng alyansa sa pagitan ng […]
-
Ads February 27, 2020