LAKERS, ALAY KAY ‘BIG BROTHER’ KOBE BRYANT ANG NBA CHAMPIONSHIP
- Published on October 14, 2020
- by @peoplesbalita
INIALAY ng Los Angeles Lakers sa namayapang basketball icon na si Kobe Bryant ang kanilang pagkampeon sa NBA Finals.
Maaalalang nagulantang ang buong mundo sa biglaang pagpanaw ni Bryant, anak nitong si Gianna at pitong iba pa nang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.
Ayon kay Anthony Davis, batid daw nilang proud si Kobe, maging ang biyuda nitong si Vanessa at ang buong organisasyon sa kanilang panalo.
“Ever since the tragedy, we wanted to do it for him, and we didn’t want to let him down,” wika ni Davis.
“I know he’s looking down on us and proud of us, I know (Bryant’s wife) Vanessa is proud of us, the organization is proud of us. It means a lot to us.
“He was a big brother to all of us and we did this for him.”
Matapos ang panalo, bumuhos sa mga kalsada ang mga fans na isinisigaw ang pangalan ni Kobe, bilang pakikiisa sa panalo ng Lakers.
Kaugnay nito, inamin naman ni Team President Jeanie Buss na nalulungkot sila dahil hindi na nasilayan pa ni Bryant ang pagkakadagit ng koponan ng kampeonato matapos ang isang dekada.
“To Lakers nation, we have been through a heartbreaking tragedy with the loss of our beloved Kobe Bryant and Gianna,” ani Buss.
“Let this trophy serve as a reminder of when we come together, believe in each other, in- credible things can happen.”
-
NAVOTEÑOS HINIKAYAT NA MAGPABAKUNA
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco at Congressman John Rey Tiangco sa kanilang kababayan Navoteños na huwag palampasin ang pagkakataon magpabakuna ng Moderna at Pfizers vaccines na mayroon ang Pamahalaang Lungsod ngayon. Ito’y matapos makarating sa kanila na sa 3,000 slots ng Moderna vaccine na nakalaan ay 948 lamang ang dumating para magpabakuna. […]
-
DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena
DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o […]
-
Taliwas sa bali-balitang nag-react sa kanyang look: Pagganap ni BEA sa ‘Start-Up PH’, approved sa mga Korean producers
ITINANGGI na nga ng isa sa executive ng GMA Entertainment Group ang akusasyon ni Manay Lolit Solis na nag-react daw ang Korean producers ng “Start-Up’ sa look ni Bea Alonzo na bidang babae sa Pinoy adaptation ng serye. Ayon Vice President for Drama Production na si Ms. Cheryl Ching-Sy, “it is not true. […]