LAKERS, ISUSUOT ANG ‘BLACK MAMBA’ JERSEY SA GAME 5 NG NBA FINALS
- Published on October 10, 2020
- by @peoplesbalita
SUSUOTIN ng Los Angeles Lakers ang kanilang “Black Mamba” uniform, na dinisenyo bilang pagpupugay sa namayapang si Kobe Bryant, sa darating na Game 5 ng NBA Finals.
Ayon sa mga impormante, maliban noong Game 2 ay sa Game 7 pa raw sana nila susuotin ang black alternative uniform.
Pero sa Sabado kasi ay may tsansa na ang Lakers na masungkit ang kampeonato tangan ang 3-1 lead kontra sa Miami Heat sa kanilang best-of-seven series.
Katunayan, 4-0 ang Lakers sa tuwing suot nila ang Black Mamba uniforms ngayong postseason.
Sa mga nakalipas na interview, nabanggit nina Lakers coach Frank Vogel, LeBron James at Anthony Davis na kanilang sinisikap na tularan ang “Mamba mentality” ni Bryant at ang pagnanasa nito na laging manalo.
Iniaalay ng Lakers ang nalalabing bahagi ng season kay Bryant, na sumakabilang buhay kasama ang walong iba pa matapos ang nangyaring pagbagsak ng sinakyan nilang helicopter sa bahagi ng California noong buwan ng Enero.
-
Alcantara, Gonzales talsik
HINDI umubra sina Philippine duo Francis Casey Alcantara at Ruben Gonzales laban kina Conner Huertas at Alexander Merino ng Peru, 7-6 (11-9), 4-6, 10-7, para magmintis sa semifinals ng katatapos na International Tennis Federation (ITF) ASC BMW $25,000 Men’s World Tennis Tour second leg sa Naples, Florida. Pumalaot sa quarterfinas sina homegrown Alcantara […]
-
Omicron sub-variant sa HK , maaaring makapasok sa Pinas- Duque
MAAARING makahanap ng paraan para makapasok ng Pilipinas ang Omicron sub-variant na nakakaapekto sa Hong Kong. Ito ang pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III nang tanungin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibilidad na “bumisita” ang BA.2.2 sub-variant sa bansa. “There is a possibility, Mr. President,” ayon kay Duque […]
-
PAGPAPABAKUNA SA MAYNILA, TIGIL MUNA
KINUMPIRMA ni Cesar Chavez, Chief of Staff ni Domagoso na tulad sa Taguig City ay hinihintay din ng City of Manila ang Certificate of Analysis na ilalabas ng Department of Health mula sa manufacturer ng bakuna upang muling makapagpatuloy pagbabakuna sa lungsod. Nito lamang June 24 ay dumating ang 400,000 doses ng Sinovac […]