Lakers nasilat ng Spurs, LeBron ‘di nakalaro namamaga ang paa
- Published on March 10, 2022
- by @peoplesbalita
NABIGONG makapaglaro si LeBron James sa laban ng Los Angeles Lakers kontra sa San Antonio Spurs.
Aminado ang coaching staff ng Lakers, apektado ang kanilang beteranong superstar sa heavy load nitong nakalipas na mga araw.
Kung maalala sa huling laro ng 37-anyos na si LeBron, nagtala ito ng record breaking na performance nang magbuhos ng 56 points sa loob ng 39 minutos na pagkakababad sa paglalaro.
Sinasabing nakakaranas ng pamamaga sa kanyang kaliwang paa si James.
Ang hindi paglalaro ni James ay nagpadagdag sa kamalasan ng Lakers dahil magtatagal pa bago makabalik sa games ang kanilang big man na si Anthony Davis.
Namemeligro rin ang kalagayan ng Lakers bunsod na nasa pang-siyam itong puwesto at delikado pa na hindi pumasok sa play-in tournament.
Samantala sa laro kanina laban sa Spurs nasilat nila ang Lakers, 117-110.
-
Valenzuela City at Tanauan City, lumagda sa Sisterhood Agreement
UPANG higit pang palawigin at patatagin ang alyansa sa pagitan ng Valenzuela City at Tanauan City, pinangunahan nina Mayor WES Gatchalian at Mayor Nelson Collantes ang paglagda sa sisterhood agreement na ginanap sa Tanauan City Hall. Sa bisa ng Resolution No. 2610, Series of 2023, na ipinasa ng Valenzuela City Council at Resolution […]
-
‘Family Feud’ ni Dingdong, muling abangan: WILLIE, imposible pang makabalik sa GMA dahil wala pang timeslot
MAY bali-balita palang pwede raw bumalik si Willie Revillame sa GMA-7, pero madali namang nilinaw ito ni GMA Senior Vice President Annette Gozon-Valdes na hindi iyon totoo. “Kasi as of now, wala kaming available timeslot talaga. Kasi, di ba dati nandun siya sa slot before “24 Oras?” But magbabalik na muli ang “Family […]
-
Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage
NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers. Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa. Sa isang statement ay nanawagan ang […]