• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lakers olats sa Celtics, Jaylen Brown 37 points

GUMANA ang pulso ni Jaylen Brown sa dulo ng regulation at sa overtime para balikatin ang Boston sa 125-121 win laban sa karibal na Lakers Sabado ng gabi sa TD Garden.

 

Umiskor si Brown ng 37 kabilang ang panablang three-point play 4 seconds sa regulation, dinagdagdan ng 11 sa OT. Nagbaba pa siya ng 9 rebounds.

 

Umayuda ng 30 points, 11 boards si Jayson Tatum, nilista ni Malcolm Brogdon ang 16 sa kanyang 26 points sa second half.

 

Nawalan ng saysay ang 41 points, 9 rebounds, 8 assists ni LeBron James sa Los Angeles.

 

May 16 markers, 10 boards pa si Anthony Davis at 15 points kay Patrick Beverley sa Lakers.

 

Walang gustong padaig sa pukpukang laro na tinampukan ng 19 lead changes – anim sa fourth quarter – at 15 ties.

 

Sa baskets ni Beverley ay dalawang beses hinawakan ng LA ang trangko sa final minute ng fourth, pero sumablay naman siya sa foul shot na posibleng nagpanalo na sana sa mga dayo.

 

Natawagan pa si Beverley ng technical foul sa last play ng regulation.

 

Na-outscore ng Celtics ang Lakers 20-16 sa extra time. (CARD)

Other News
  • DINGDONG, pinaliwanag kay ZIA na kailangang maging healthy para sa pamilya nila; MARIAN, ‘di rin nagpapahuli sa pagwo-workout

    LAST Monday, nag-post uli si Dingdong Dantes sa kanyang Instagram account sa ginagawa niyang daily work-out na sinimulan niya noong Febuary this year.     At 40, gusto talagang ma-maintain ni Dingdong ang malusog at hindi lang basta magandang pangangatawan.     Sa post ng Kapuso Primetime King, may ibinahagi siya sa pagtatanong ng panganay […]

  • Mas maraming Pilipino ang naging obese sa panahon ng pandemya – survey

    TUMAAS  ang bilang ng ‘obesity’ lalong lalo na sa mga bata dahil sa Covid-19 pandemic.     Base ito sa bagong survey na ginawa ng pamahalaan.     Nakasaad sa 2021 Expanded National Nutrition Survey (ENNS) ng Department of Science and Technology-Food and Nutrition Research Institute (DOST-FNRI), lumalabas na ang obesity rate sa mga bata […]

  • P 1.5 SMUGGLED SIGARILYO, NASABAT NG COAST GUARD

    NASABAT ng Phililippine Coast Guard (PCG) ang tinatayang  P1.5 milyong halaga ng smuggled na sigarilyo sa baybayin ng Bangas Island at Jolo Island sa Sulu.   Ayon sa PCG, inaresto rin ang tatlong crew na sakay ng “junkong” type motorbanca nang magsagawa ng regular na coastal security  patrol ang Coast Guard Station  Sulu.   Hindi […]