Lalaban sila ni Heaven sa ‘2023 Asian Academy Creative Awards’: ARJO, tinanghal na National Winner for Best Actor in a Leading Role
- Published on September 29, 2023
- by @peoplesbalita
SUNUD-SUNOD ang pagdating ng magagandang balita para sa mahusay aktor at Congressman ng QC na si Arjo Atayde.
Kahapon, September 28, in-annouce na ang National Winners ng mga bansa sa Asya na maglalaban-laban naman ‘2023 Asian Academy Creative Awards’.
Ang Grand Awards at Gala Final ay sa December 7, 2023 at gaganapin sa historic Chijmes Hall ng Singapore.
Si Arjo nga ang nagwagi ng Best Actor in a Leading Role dahil sa napakahusay niyang pagganap sa series na ‘Cattleya Killer’ na napili ring Best Drama Series ng bansa para sa 2022.
Muli ngang makikipagtunggali si Arjo sa mga mahuhusay ding aktor sa Asya at matatandaang nakapag-uwi na siya ng Best Actor trophy sa mula 3rd Asian Academy Creative Awards 2020 para sa series na ‘Bagman.’
Kapansin-pansin nga ang mahusay niyang pagganap sa ‘Cattleya Killer’ kaya ‘di na nakapagtataka na siya ang hirangin na National Winner at malakas ang laban niya. Let’s hope na masungkit niya uli ang naturang acting award.
Recently, ay na-nominate din siya sa Asia Content Awards & Global OTT Awards bilang Best Lead Actor para rin sa naturang series na prinoduce ng ABS-CBN International Productions, Prime Video at Nathan Studios.
Katatapos lang din ng North American premiere ng movie niya na ‘Topakk’ last September 23 & 23 sa Austin, Texas.
Samantala si Heaven Peralejo ang tinanghal na PH Best Actress in a Leading Role dahil din sa mahusay niyang pagganap sa MMFF 2022 entry na ‘Nanahimik ang Gabi (A Silent Night)’ ng Rein Entertainment Productions na napapanood sa Amazon Prime Video.
Ang naturang sexy suspense-thriller naman ang nagwagi ng Best Feature Film.
Kapapanalo lang din ni Heaven ng Best Actress sa 39th Luna Awards ng Film Academy of the Philippines (FAP), kaya palaban din siya dito sa AACA.
Ang co-actor niyang si Mon Confiado sa movie ang waging Best Actor in a Supporting Role, na nanalo rin sa MMFF 2022.
Last year ay si Jodi Sta. Maria ang nanalong Best Actress para drama series na “The Broken Marriage Vow.” Kaya abang-abang kung magba-back-to-back win ang Pilipinas.
Narito pa ang ibang National Winners sa para 2023 AACA:
BEST ACTOR/ACTRESS IN A COMEDY ROLE – Isabelle Daza – ‘K-LOVE’
BEST ACTRESS IN A SUPPORTING ROLE – Sue Ramirez – ‘K-LOVE’
BEST ADAPTATION OF AN EXISTING FORMAT – ‘Flower Of Evil’
BEST ANIMATED PROGRAMME OR SERIES (2D OR 3D) – ‘Voltes V: Legacy’
BEST VISUAL OR SPECIAL FX IN TV SERIES OR FEATURE FILM – ‘Voltes V: Legacy’
BEST DIRECTION (FICTION) – Onat Diaz – ‘Dirty Linen’
BEST ENTERTAINMENT HOST – Manila Luzon – ‘Dragden With Manila Luzon’
BEST NON SCRIPTED ENTERTAINMENT – ‘Dragden With Manila Luzon’
BEST MUSIC OR DANCE PROGRAMME- ‘ASAP NATIN ‘TO’
BEST GENERAL ENTERTAINMENT, GAME OR QUIZ PROGRAMME – ‘EVERYBODY, SING!’
Para sa complete list bisitahin lang ang kanilang website: https://www.asianacademycreativeawards.com.
(ROHN ROMULO)
-
ILANG KALYE SA CALOOCAN, NI-LOCKDOWN
ISINAILALIM sa isang linggong lockdown ang mga lugar na pumapaloob sa 5th Street, Magsaysay Street, 6th Street at C3-Road sa Barangay 123 at ang mga kalye ng Panay, Guinugitan, Masbate, at Victoria sa H. Dela Costa Homes, Barangay 179, Caloocan City simula 12:01am ng Setyembre 3 hanggang 11:59pm ng Setyembre 9, 2021. […]
-
Statham nagpatala sa Draft
NAGPALISTA na sa para sa darating na Virtual 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 ang Filipino-American at dating National Basketball Association (NBA) G League player na si Taylor Statham. Sa tweet nitong isang araw idinaan ng 6-foot-6 foward ang pagpasok sa Online Draft na nakatakdang gaganapin sa darating na Marso 14. […]
-
NBI, kumbinsidong walang nangyaring hacking sa datos ng Comelec para sa 2022 polls
NAGSASAGAWA ng site inspection ang ilang mga opisyal ng National Bureau of Investigation (NBI) sa isang warehouse ng Commission on Elections (Comelec) sa Sta. Rosa, Laguna. Ito ay matapos na makatanggap sila ng mga ulat na may nangyari umanong hacking sa data ng Comelec para sa papalapit na May 2022 elections. […]