LALAKI, INARESTO SA PANGONGOTONG SA LABAS NG NBI COMPOUND
- Published on February 11, 2021
- by @peoplesbalita
INARESTO ng National Bureau of Investigation-Special Action Unit (NBI-SAU) ang isang lalaki sa pangongotong sa isang aplikante na kumukuha ng NBI clearance sa loob ng NBI Headquarters sa Manila.
Kinilala ni NBI Officer-in-Charge (OIC)-Director Eric B. Distor ang suspek na si Mark Endaya Cabal.
Ang pagkakaaresto kay Cabal ay bunsod sa reklamo ng isang complainant kung saan nakilala umano niya ang suspek sa labas ng NBI compound na nakasuot ng polo shirt ng NBI kung saan inisip nito na empleyado ito ng ahensiya at nagtanong sa kanya kung paano kumuha ng NBI clearance.
Nag-alok ng tulong ang suspek at nakalipas ng ilang sandali ay binalikan niya ang complainant at sinabing meron itong naka-pending na warrant of arrest sa kasong droga at aarestuhin ito kung hindi makakapagbigay ng halagang P100K.
Kinabukasan, bumalik ang complainant at ibinibigay ang halagang P40K pero hindi nakuntento ang suspek at tinakot ito na maaari siyang ikulong o patayin dahil sa pagkakasangkot sa illegal na droga.
Nangako ang complainant na ibibigay nito ang kakulungan makaraang ang ilang linggo.
Humingi ng tulong ang biktima sa kaibigan kung saan pinayuhan ito na magsampa ng reklamo laban sa suspek dahilan upang magsagawa ng entrapment operation ang NBI laban kay Cabal
Nitong Febryuary 3, isinagawa ang entrapment operation na nagresulra sa pagkakaaresto sa suspek at nakuhanan pa ito ng shabu. Nabatid pa sa records na marami na ring reklamo ng Robbery Extortion ang suspek. (GENE ADSUARA)
-
DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls
MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center. Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa. Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]
-
KINASUHAN NA
INIHARAP ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang limang suspek, kabilang ang 4 na menor de edad na nag “trip” sa isang balloon vendor na kumalat sa social media. Ang menor de edad ay sinamahan ng kanilang mga magulang na nagtungo sa Manila City Hall gayundin si Dranreb Colon, 18, ng 1464 Ilang-ilang […]
-
Medical insurance rule para sa mga college students sa face-to-face classes tinanggal na ng IATF
INALIS ng COVID-19 task force ng bansa ang medical insurance requirement para sa mga estudyanteng pumapasok sa limited face-to-face classes. Pinayagan ng gobyerno sa unang bahagi ng taong ito ang mga kolehiyo at unibersidad sa ilalim ng COVID-19 Alert Level 1 na magsagawa ng face-to-face classes sa buong kapasidad, ngunit ang mga pumapasok sa […]