Lalaki, kulong sa illegal na pagbebenta ng baril
- Published on November 21, 2024
- by @peoplesbalita
BAGSAK sa kalaboso ang isang lalaki na ilegal umanong nagbebenta ng baril matapos maaresto ng mga tauhan ng PNP Maritime Group sa ikinasang entrapment operation sa Quezon City, Linggo ng hapon.
Sa inisyal na imbestigation, nakanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Northern NCR MARPSTA sa ilalim ng pamumuno ni Station Chief P/Major Randy Veran hinggil sa umano’y ilegal na pagbebenta ng baril ni alyas “Genesis”, 26-anyos.
Nang magawang makipagtransaksyon sa suspek ng mga tauhan ni Major Veran ay agad ikinasa ng Northern NCR MARPSTA ang entrapment operation na nagresulta sa pagkakaaresto kay alyas Genesis dakong alas-5:56 ng hapon sa Brgy. Pag-Ibig sa Nayon, Balintawak, Quezon City.
Nakumpiska sa suspek ang isang Cal. 22mm “Black Widow” rebolber na may dalawang pirasong at P11,000 buy bust money.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 32, “Unlawful Manufacture, Importation, Sale or Disposition of Firearms or Ammunition or Parts” of R.A. 10591 “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act”. (Richard Mesa)
-
PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week
MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag […]
-
15 countries pasok na sa 2022 World Cup sa Qatar, 17 spots pa ang pinag-aagawan
NASA 17 spots na lamang ang natitira para makompleto na ang 32 mga bansa na pwedeng lumahok sa prestihiyosong 2022 World Cup na gaganapin sa Nobyembre hanggang Disyembre sa Qatar. Ito ay makaraang umabot na sa 15 mga national teams ang nag-qualify kabilang na ang host qatar. Narito ang mga bansang […]
-
Hangga’t hindi nakakaapekto sa work nila: Isyu ng hiwalayan nina TOM at CARLA, hindi pinakikialaman ng GMA
MARAMI nang excited, lalo na ang mga fans ni Bianca Umali, sa world premiere tonight ng first romantic-comedy series na ginawa ng Kapuso actress, ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, na first time nilang pagtatambalan ni Ken Chan. Ibang-iba kasing Bianca ang mapapanood dito, na kahit ang actress ay nanibago at inaming […]