• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya, ide-deliver na sa bansa

INAASAHANG made-deliver sa Pilipinas sa susunod na buwan ang mga bakunang dinevelop ng Pfizer at Gamaleya Research Institute.

 

Tiniyak ng Malakanyang sa publiko na walang “favoritism’ sa pagbili ng tinaguriang potentially life-saving doses.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, ang maliit na volume ng bakuna ay magmumula sa Pfizer.

Wala namang ibinigay na detalye si Sec. Roque sa bilang o dami ng doses na manggagaling naman mula sa Gamaleya, na nag-develop sa Sputnik V vaccine.

Nauna rito, sinabi ni Sec. Roque na tanging ang vaccine doses mula China’s Sinovac ang tanging available para sa mga Filipino hanggang Hunyo dahil ang Western brands ay hindi kaagad available.

“Hindi naman ibig sabihin na palibhasa papasok na ang Sinovac sa Pebrero, titigil na tayo ng effort na makaangkat pa ng ibang bakuna galing sa ibang mga manufacturers. So, pagdating po ng Pebrero, hindi lang 50,000 [doses mula sa] Sinovac ang available,” ani Sec. Roque.

Binigyang diin ni Sec. Roque na ang tanging bakuna na inaprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang gagamitn para sa mass inoculation program.

“So far, only Pfizer received an emergency use authorization for its vaccine. Uulitin ko po, wala tayong favoritism,” ayon kay Sec. Roque.

Samantala, ang Gamaleya at Sinovac’s EUA applications ay nananatiling nakabinbin sa FDA.

Sinabi ni Vaccine czar Carlito Galvez Jr. na ang Sinovac’s EUA application ay aaprubahan sa Pebrero 20. (Daris Jose)

Other News
  • PDu30, papayagan ang emergency use ng coronavirus vaccines-Sec. Roque

    PAPAYAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang emergency use ng coronavirus vaccines at inaprubahan na ang advance payment sa kanilang private developers.   Tinatayang 8 buwan na ngayon simula ng ipatupad ang iba’t ibang degree ng lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.   Ani Presidential Spokesperson Harry Roque, magpapalabas si Pangulong Duterte ng  executive order para […]

  • Isang saludo sa Fineguard mask

    ILALARGA ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) ang Fineguard Sport National Half-Marathon Virtual Challenge upang mabigyan ng aktibidad ang komunidad na patuloy na nalilimitahan sa mga galaw dahil sa Covid-19.     Patuloy na bawal ang mga aktibidad na nagtitipon sa maramihang tao at hindi pa posible ang malalaking running event dahil sa […]

  • Navotas naghahanda na sa implementasyon ng COVID-19 vaccination

    Naghahanda na ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa implementasyon ng kanilang COVID-19 vaccination para sa mga residente nito.     Sa naganap na meeting na pinangunahan ni Mayor Toby Tiangco, kasama ang City Health Department at mga department head, nasa 267,000 ang kasalukuyang populasyon sa Navotas at nasa 103,000 ang edad 18 pataas na target […]