Lalaki na may bitbit na baril sa Malabon, laglag sa rehas
- Published on April 6, 2024
- by @peoplesbalita
SA loob ng selda humantong ang isang lalaki matapos maaktuhan ng mga pulis na may bitbit na baril habang pagala-gala sa lansangan sa Malabon City.
Sa ulat ni Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) hinggil sa isang lalaki na armado ng baril habang pagala-gala sa Estrella St., Brgy. Tañong.
Kaagad namang rumesponde sa lugar ang mga tauhan ni P/Capt. Ritchell Siñel, hepe ng SIS kung saan naispatan nila ang isang lalaki na may bitbit na baril kaya agad nila itong nilapitan saka inaresto dakong alas-5:20 ng umaga.
Nakumpiska sa suspek na si alyas “Popoy” ang isang cal. 22 revolver na may limang bala at nang hanapan siya ng mga pulis ng mga kaukulang dokumento hinggil sa legalidad ng naturang armas ay walang naipakita ang suspek.
Binitbit ng pulisya ang suspek at sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act sa piskalya ng Lungsod ng Malabon. (Richard Mesa)
Other News
-
Nasa listahan ng red list sa Pilipinas hanggang October 15
INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na ipapatupad nila ang resolusyon ng Inter-Agency Council for the Management of Emerging Infections Diseases (IATF) ang updated na listahan ng mga red, yellow at green na mga bansa. Ang nasabing resolusyon na aprubado ng Malacanang ay ang mga bansa na kabilang sa kategorya na maari […]
-
Delivery ng national IDs makukumpleto sa 2024 – PSA
KAKAIN pa ng isang taon o aabutin pa nang hanggang September 2024 bago makumpleto ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, mayroon nang 81 milyong Filipino ang nagparehistro sa PhilSystem pero […]
-
Ads November 5, 2020