Lalaki na nagwala habang may bitbit na baril sa Navotas, kulong
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI umubra sa mga pulis ang pagiging siga-siga umano ng isang lalaki matapos magwala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril sa Navotas City.
Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “John”, 26, residente ng lungsod.
Ayon kay Col. Cortes, habang nagsasagawa ng covert operation ang mga operatiba ng Station Intelligence Section (SIS) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. Luis Rufo Jr sa Taganahan St., Brgy., BBN nang matiyempuhan nila ang suspek na nagwawala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril na nagdulot ng labis na takot sa mga residente sa lugar dakong ala-1:10 ng madaling araw.
Maingat na pinalibutan ng mga tauhan ni Capt. Rufo ang suspek bago sinunggaban saka kinumpiska sa kanya ang hawak na isang revolver na kargado ng apat na bala at isang belt bag.
Nang wala siyang maipakitang kaukulang papeles hinggil sa ligaledad ng nasabing baril ay walang maipakita ang suspek kaya pinosasan siya at binitbit ng mga operatiba ng SIS.
Himas-rehas ang suspek sa custodial facility unit ng Navotas police habang mahaharap sa kasong paglabag sa Art. 155 of RPC at R.A 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunation Regulation Act. (Richard Mesa)
-
Paramount officially delays ‘Mission: Impossible 7′ to September 2022, ‘Top Gun: Maverick’ to May 2022.
THE Mission: Impossible 7 release date has been delayed to September 2022. Beginning production in early 2020, the upcoming action sequel has been one of the many Hollywood projects greatly impacted by the ongoing COVID-19 pandemic. Filming has been shut down multiple times, prompting studio Paramount to sue Mission: Impossible 7’s insurance company. The movie has […]
-
Paghahanda ng ‘legal briefer’ ng DOJ ukol sa ICC warrants, standard procedure lang – Garafil
“THIS is standard procedure, not a change in position,” Ito ang tugon ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil sa ginagawang paghahanda ng Department of Justice’s (DOJ) na ‘legal briefer’ sa mga legal na opsyon na magagamit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sakaling maglabas ng arrest warrant ang International Criminal Court (ICC) laban kay […]
-
DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project
TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon. Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]