LALAKI NA PINANGBILI ANG P1K NA AYUDA NG DROGA SA KYUSI ARESTADO
- Published on April 21, 2021
- by @peoplesbalita
ARESTADO ng Quezon City Police District ang isang 40-anyos na lalaki matapos makumpiskahan ng shabu na binili gamit ang natanggap na P1,000 na ayuda mula sa gobyerno.
Sa ulat, na ipinadala kay QCPD Director P/B.Gen Danilo Macerin ni P/Lt.Col Melchor Rosales, alas-3 ng madaling araw nang sitahin ang suspek na si Joven Llera, residente ng Barangay Balara, sa Laura street dahil sa paglabag sa curfew hours.
Nabatid na una na rin sinita ang suspek sa nabanggit na lugar dahil sa paglabag sa curfew hours at iniuwi ito ng mga barangay tanod.
Ngunit bumalik ito sa lugar kung saan siya unang sinita para diumano hanapin ang isang sachet ng shabu na itinapon niya sa damuhan at nagkataon na nadaanan siya ng mga nagpapatrulyang pulis.
Inamin diumano ni Llera na nakabili siya ng shabu dahil sa natanggap na P1,000 ECQ cash aid mula sa Social Amelioration Program . Mahaharap sa aksong pag labag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive dangerous Drug Act. (RONALDO QUINIO)
-
Pamumuhay ng ilang Filipino lumala sa nakalipas na 12-mos. – SWS survey
TATLO umano sa 10 mga Filipino adults ang nagsabing lumala ang kanilang pamumuhay sa nagdaang 12 buwan. Ito ang lumabas sa survey na isinagawa ng Social Weather Station (SWS). Isinagawa ang nasabing survey mula Abril 19 hanggang April 27, 2022 kung saan tinanong ang nasa 1,440 respondents kung ano ang estado […]
-
QC gov’t, naghigpit lalo sa pagpapatupad health protocols
Nagdoble ng paghihigpit ang Quezon City government sa pagpapatupad ng health protocols matapos na manguna sila sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR). Mayroon pa kasing halos 900 na aktibong kaso ang naitala sa lungsod at mahigit 742 na ang nasawi habang ang recoveries ay mayroong halos 25,000. Sa […]
-
5K-10K COVID-19 cases kada araw babala ng OCTA
MULING nagbabala ang OCTA Research Group na maaaring umakyat ng 5,000 hanggang 10,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa dahil sa bagong Omicron variants. Ginawa ng OCTA ang pagtataya base sa nakita nila na pagtaas ng kaso sa South Africa dulot ng BA.4 at BA.5 variants sa New Delhi sa India dulot […]