• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaki pinagbabaril sa Malabon, dedbol

TODAS ang 40-anyos na lalaki matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi kilalang suspek sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Dead-on-the-spot ang biktimang si alyas “Ruel”, residente ng C, Perez St. Brgy. Tonsuya sanhi ng isang tama ng bala sa ulo habang mabilis namang tumakas ang mga suspek patungong Sanciangco St. sa naturan ding barangay matapos ang insidente.

 

 

Sa ulat nina P/MSg Ernie Baroy at P/MSg Diego Ngippol kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Pilapil St. Palmario 2, Brgy. Tonsuya.

 

 

Sa inisyal imbestigasyon ng pulisya, lumabas ng bahay ang biktima at nagtungo sa nasabing lugar nang dumating ang dalawang lalaki na kapwa nakasuot ng-jacket at naka-face mask.

 

 

Isa sa mga suspek ang bumunot ng baril at pinagbabaril ang biktima na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan habang nakuha naman ng pulisya sa crime scene ang isang basyo ng bala ng cal. 45 baril.

 

 

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya para sa posibleng pagkilalan at pagkakadakip sa mga salarin habang inaalam pa ang motibo sa insidente. (Richard Mesa)

Other News
  • The Australian Supernatural Horror Movie ‘Talk to Me’ in PH Cinemas on July 26, Ahead of U.S. Release

    ONE of the most unique aspects of Talk to Me is that the film was directed by the twin brothers, Danny and Michael Philippou, who are actually best known for their YouTube channel, RackaRacka, debuted in 2013.     It quickly rose to popularity through their darkly comedic horror content. The duo won the Australian […]

  • Malakanyang, walang kamay sa impeachment complaint laban kay SC Associate Justice Leonen

    WALANG kinalaman ang Malakanyang sa naging hakbang na  sampahan ng impeachment complaint si Supreme Court Associate Justice Mario Victor “Marvic” Leonen dahil umano sa culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust.   Ito ay dahil sa bigo di umani si Leonen na makapaghain ng kanyang Statement of Assets and Liabilities (SALN) sa loob […]

  • PDu30, nagsagawa ng aerial inspection sa ‘Agaton’-hit Baybay City

    KAHIT Biyernes Santo o Mahal na Araw ay nagsagawa pa rin si Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang aerial inspection sa Baybay City, lalawigan ng Leyte, isa sa mga lugar sa Eastern Visayas na hinambalos ng Tropical Depression Agaton ngayong linggo.     Kasama ng Pangulo si Senador Christopher “Bong” Go, na lumapag sa Ormoc City. […]