• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalaking nagbabanta at nangingikil sa mga driver sa Malabon, kalaboso sa baril

NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng 55-anyos na lalaki na nagbabanta at nangingikil umano sa mga driver matapos maaresto ng mga pulis makaraang makuhanan ng baril sa Malabon City.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Amante Daro ang naarestong suspek bilang si January Raymond Flores, 55, parking attendant, at residente Barangay San Agustin.

 

 

Sa report ni Col. Daro kay P/Col. Ponce Rogelio Peñones Jr, Acting District Director ng Northern Police District (NPD), nakatanggap sila ng letter of complaint na naka-address kay PNP Chief PGEN Rodolfo Azurin Jr, mula sa “Kolot Sinag mga drivers” kung saan i-nirereklamo ang suspek alyas “Polot Flores” na pinagbabantaan at kinikikilan ang mga driver ng padyak, jeep, at delivery truck ng isda habang armado ng baril sa Gen. Luna Street, Barangay San Agustin.

 

 

Kaagad inatasan ni Col. Daro ang mga operatiba ng Follow-up na magsagawa ng validation sa nasabing lugar kung saan naaktuhan nila ang suspek na may dalang baril.

 

 

Nang hanapan ng mga kaukulang dokumento para legalidad ng naturang baril ay walang naipakita ang suspek na naging dahilan upang posasan siya ng mga operatiba at nakumpiska sa kanya ang isang cal. 45 pistol at dalawang magazine na kargado ng 12 pirasong bala at isang sling bag.

 

 

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions). (Richard Mesa)

Other News
  • Kung si ROBIN ay tatakbong Senador: WILLIE, hinihintay na ng kanyang fans kung magpa-file din ng COC

    MUKHANG mapupuno ng showbiz personalities ang mga kakandidato sa coming national elections sa May, 2022.      Sunud-sunod na ang mga nagpa-file ng kani-kanilang Certificate of Candidacy at marami pa ang naghihintay sa mga susunod pang magpa-file na hanggang ngayong Friday na lamang, October 8, kaya expected nang magiging parang fiesta ang huling araw ng […]

  • Paglabas ng mga bata, suspendihin – Metro Manila

    Nais  ngayon ng mga alkalde ng Metro Manila na manatili pa rin sa loob ng mga bahay ang mga bata na may edad limang taon pataas kasunod ng banta ng mas mapanga­nib na Delta variant.     Sinabi ni Parañaque Mayor Edwin Olivarez, chairman ng Metro Manila Council (MMC), na inirekomenda na nila sa Inter-Agency […]

  • Panukalang amyenda sa data privacy act, pasado sa Komite

    Inaprubahan ng House Committee on  Information and Communications Technology ang substitute bill sa House Bills 1188 at 5612, na naglalayong amyendahan ang Republic Act 10173 o ang “Data Privacy Act of 2012.”     Layon ng panukala na tugunan ang hamon sa data privacy, usapin sa cross-border data processing sa bansa at paunlarin ang proteksyon ng […]