• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LALAKING NATUTULOG SA CENTER ISLAND PISAK SA TRACTOR HEAD

TULUYAN nang hindi nagising ang isang lalaki na natutulog sa center island ng kalsada nang nagulungan ng isang tractor head  matapos na nawalan ng kontrol sa kanyang manibela ang driver sa Binondo, Manila kahapon ng madaling araw.

 

 

Nakasuot ng kulay blue na T-shirt at maong short  ang di pa nakikilalang lalaki at umano’y natutulog sa center island ng kalsada habang kinilala ang driver ng tractor head na may trailer truck na si  Jesus Operio Jr y Villasor, nasa wastong edad ng 291 Kawit St.Balut Tondo,Manila.

 

 

Sa ulat ng Manila Police District (MPD) dakong alas-1:00 kahapon ng madaling araw nang naganap ang insidente sa Southbound lane ng  Delpan Bridge. Pababa sa bahagi ng  Binondo, Manila kung saan minamaneho ng suspek ang kanyang  tractor head na may plakang AWA 4868  habang binabagtas ang Southward lane ng Delpan bridge sa Binondo, Manila nang nawalan umano ng kontrol sa kanyang pagmamaneho ang driver kaya pinihit nito sa kaliwang bahagi ng kalsada at nagulugan ang biktima sa umano’y natutulog sa center island at nagresulta sa kanyang agarang kamatayan. (Gene Adsuara)

Other News
  • Que lumagay sa pang-63, ginantimpalaan ng P26K

    TINAPOS ni Angelo Que ang labanan sa 75 pa-3-over par 219 humanay sa tatlong Japanese sa pang-63 posisyon sa pagrokyo ng 38th Japan Challenge Tour 2022 opening leg ¥15M (P6.2M) Novil Cup sa J Classic Golf Club sa Tokushima nito  lang Abril 6-8.     Napremyuhan ang Pinoy bet na may 73 at 71 pa […]

  • Kahit magkakasabay ang shows at movies: DINGDONG, nakuha pa ring mag-report sa duty bilang reservist

    NGAYONG Biyernes na ang finale episode ng isa sa consistent top-rater sa primetime ng GMA-7, ang “Royal Blood.”       Nakaaaliw lang ang iba na kinukuwestiyon pa ang pagiging top-rater ng serye, e, isa yata ito sa magandang primetime series na nagawa ng GMA-7, huh!     So ‘yun nga, kung totoo raw talaga na […]

  • James Delos Santos may 10 gold medal na ngayong taon

    Mayroon ng 10 gold medal sa e-kata ngayong taon si Filipino karateka James Delos Santos.     Nakuha nito ang ika-sampung medalya ng hindi tinanggap ng mga tournament officials ang video entry ng kaniyang katunggali mula sa South Africa.     Dahil sa hind pumasa ang video ni Cerone Biagoni sa gold medal round ay […]