• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Lalong maghihigpit ang PBA

Binalaan ng PBA ang sinumang lalabag sa health protocols na ipatutupad sa kanya-kanyang training at scrimmages ng mga PBA teams.

 

 

Nakaabang ang mabigat na parusa kabilang na ang P100,000 multa at 10 araw na suspensiyon sa mga violators.

 

 

Naglatag ng matinding parusa ang PBA upang masiguro na susunod ang lahat sa patakarang ipatutupad ng liga na na-kabase sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

“Lalakihan natin ‘yan. Hindi lalayo diyan ‘yung penalties natin sa Clark na P100,000. Suspension for 10 days. Malaki ‘yan .. kasi gusto nga natin maging successful,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Nais ni Marcial na ma-ging magandang ehemplo ang PBA sa pagsunod sa regulasyon ng gobyerno upang tularan ito ng iba pang liga at ng mismong mamamayan.

 

 

“Hindi naman para sa kanila lang ‘to. Para sa kapwa nila players, teammates, kasama sa team, pamilya nila at sa pamilya rin ng mga team members nila. Sana maintindihan nila,” wika pa ni Marcial.

 

 

Para mabantayan ang mga players, coaches at staff, gagamit ang PBA ng mobile app upang matunton ang galaw ng lahat.

 

 

Ang sinumang lalakad na labas sa kanyang tungkulin bilang player, official o staff ng isang team, agad itong ipatatawag ng PBA management para magpaliwanag.

Other News
  • Gobyerno tutulong hanggang may nagugutom na Pinoy – Romualdez

    “HINDI titigil ang gobyerno na tumulong hanggang may Pilipinong nagugutom,” paniniguro ni House Speaker Martin Romualdez sa isang panayam sa Zamboanga City noong Biyernes.     Kasama ang higit 90 mga kongresista, namahagi si Romualdez ng milyun-milyong pisong cash assistance at tone-toneladang bigas sa mga taga-Zamboanga City sa ilalim ng Serbisyo Fair Program ni Pang. […]

  • Mga Pinoy, hindi puwedeng maging choosy sa bakunang ituturok sa kanila laban sa Covid-19

    HINDI maaaring makapamili ang mga mamamayang Filipino o maging choosy kung anong brand ng COVID-19 vaccine ang makukuha nila mula sa pamahalaan.   Ayon kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte, ang mga bakunang inaprubahan ng drug regulator ay ” all potent, they are all effective.”   “There will be no discrimination at saka hindi kayo makapili […]

  • ‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa

    PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.   Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng […]