‘Walang sabotahe sa pagbagsak ng PNP chopper’ – Gen. Gamboa
- Published on March 10, 2020
- by @peoplesbalita
PINAWI ni PNP chief Gen. Archie Francisco Gamboa ang haka-haka na sabotahe o sinadya ang nangyaring pagbagsak ng Bell 429 chopper noong Huwebes kung saan sakay si Gamboa at ang pito pang opisyal ng PNP.
Ayon kay Gamboa na hindi siya naniniwala na may nagsabotahe sa insidente at walang matinong tao na gagawa ng pananabotahe.
Para kay PNP chief aksidente ang nangyari.
Pero hiling ni Gamboa na hintayin na lamang ang resulta ng imbestigasyon ng SITG Bell 429 sa pamumuno ni Lt Gen. Guillermo Eleazar.
Hindi pa siya nagbibigay ng opisyal na pahayag sa SITG.
Lahat ng sakay sa chopper ay kukuhanan ng pahayag.
Nasa maayos na kalagayan na ang mga ito habang naka-confine pa ang dalawang piloto at isang crew.
Bumubuti na rin ang kondisyon nina Maj. Gen. Jovic Ramos at May. Gen. Mariel Magaway na nasa ICU ng Asian Hospital.
-
Ads June 8, 2024
-
PNR extension project magsusulong ng pag-unlad sa C. Luzon
Inaasahan na magbibigay at magsusulong ng pag-unlad sa ekonomiya ng Central Luzon ang North-South Commuter Rail Project kapag natapos na ang pagtatayo nito. Makapagbibigay din ang NSCR hindi lamang para sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon kung hindi marami rin ang trabaho na malilikha ito. “A transport infrastructure project like […]
-
IRR para sa amnestiya sa mga dating rebelde, kulang pa rin ng pirma
HANGGANG ngayon ay hindi pa rin maipalabas ng gobyerno ang implementing rules and regulations (IRR) ng amnesty proclamations para sa mga dating rebelde dahil nananatiling kulang ng pirma mula sa mga kinauukulang opisyal ng gabinete ang dokumento. Sinabi ng National Amnesty Commission (NAC) na hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pirma nina […]