Lambda variant nakapasok na sa Pinas
- Published on August 17, 2021
- by @peoplesbalita
Nakapagtala na ang Pilipinas ng unang kaso ng COVID-19 Lambda variant, ayon sa pagkumpirma ng Department of Health (DOH).
Sa ulat ng DOH, University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng UP-National Institutes of Health (NIH), lumilitaw na ang unang kaso ng Lambda variant ay natukoy sa pinakahuling genome sequencing na isinagawa nila.
Ang pasyente na dinapuan ng Lambda ay isang 35-anyos na babae na bina-validate pa kung local case o returning overseas Filipino (ROF).
Ang pasyente ay asymptomatic at nakarekober na matapos na sumailalim sa 10-day isolation period.
Anang DOH, kasalukuyan na silang nagsasagawa ng back tracing at case investigation hinggil dito.
Ang Lambda variant ng COVID-19 ay unang natukoy sa Peru noong Agosto 2020.
Ito ay klasipikado bilang Variant of Interest (VOI) ng World Health Organization (WHO) noong Hunyo 14, 2021.
Anang DOH, ang naturang VOI ay may potensiyal na makaapekto sa transmissibility ng SARS-CoV-2 at kasalukuyang minomonitor para sa posibleng clinical significance nito. (Daris Jose)
-
Pangako ni ex-PRRD sa PNP puro daldal at drawing – House leaders
HINDI natupad ang naging pangako ni dating Pangulo Rodrigpo Duterte sa PNP na nagkasa ng kanyang madugong war on drugs na bigyan ng sapat na proteksiyon at suporta. Ito’y matapos sabihin ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil na walang pruweba na naisakatuparan ng dating pangulo ang kaniyang pangako. Ayon kina […]
-
Pagbabakuna kontra COVID-19, umarangkada na sa Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS – Pormal nang sinimulan ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan sa itinalagang COVID-19 Vaccination Site sa The Pavilion Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito ngayong araw. Bago ito, isinagawa ang simbolikong pagbabakuna sa harap ng vaccination site na dinaluhan nina Gob. Daniel R. Fernando, Bokal Alexis Castro […]
-
Orbon, Tsukii, iba pang karateka di sasantuhin ang COVID-19
WALANG paki sa novel coronavirus o COVID-19 sina Fil-Am Joan Orbon, foreign coach Okay Arpa at Fil-Jap Junna Tsukii, habang binabasa ninyo ito ay tapos na ang kanilang nilahukang United Arab Emirates World Karate Federation (WKF) Premier League sa Dubai sa Pebrero 14-16. Mula sa Manila sina Orbon at Arpa na pumunta ng UAE […]