LandBank naglunsad ng ₱50B loan program para sa mga crisis-affected businesses
- Published on May 17, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLUNSAD ang Land Bank of the Philippines (LandBank) ng bagong loan program para sa mga negosyong labis na tinamaan ng natural o man-made disasters, gaya ng Russia-Ukraine war.
Sa isang kalatas, araw ng Linggo, inanunsyo ng LandBank ang bagong programa na tinawag nitong NATION SERVES, o National Assistance Towards Initiating Opportunities to Entities sa gitna ng “Social and Economic Reserves which Visible Entail Shockwaves to Businesses.”
Sinabi ng state-run lender na naglaan ito ng ₱50 billion para sa programa, naglalayong makapagbigay ng karagdagang working capital para sa mga negosyo.
Magagamit ng mga negosyo o enterprises ang bagong budget para palakasin ang kanilang operasyon, palawakin ang trading facilities, at stockpile supplies at inventories para mabawasan ang epekto ng naturang krisis.
“LandBank aims to bolster the resiliency of key development industries by cushioning the negative impact of economic disruptions,” ayon kay president at chief executive Cecilia Borromeo.
“Through the NATION SERVES lending program, we will also contribute to preventing price surges on basic commodities as we continue serving the nation,” dagdag na pahayag nito.
Pinapayagan ng programa ang mga negosyo na makapag-secure ng hanggang 85% ng aktuwal na pangangailangan, na may interest rate base sa “applicable” Bloomberg Valuation Reference rate sa panahon ng pag-avail, idagdag pa ang hindi naman lalagpas sa 75% ng “prescribed spread” batay naman sa credit rating ng mga borrower. (Daris Jose)
-
Tolentino kumpiyansa sa tsansa ng mga Pinoy athletes sa Olympic gold
Naniniwala ang Philippine Olympic Committee (POC) na ito na ang pagkakataon para makamit ng bansa ang inaasam na kauna-unahang gold medal sa Olympic Games. Ito ay sa kabila ng ilang panawagan na ipagpaliban muli ang Olympics na idaraos sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 sa Tokyo, Japan dahil sa paglobo ng kaso ng […]
-
PBBM sa mga Dam Operators: Release water ahead of heavy rains to mitigate flooding
IPINAG-UTOS ni Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. , araw ng Miyerkules, sa mga dam operators na dahan-dahang pakawalan ang tubig bago pa ang inaasahan na malakas na pag-ulan dala ng bagyo. Hangad ng Pangulo ang maagang paggalaw para matulungan at protektahan ang mga Filipino mula sa epekto ng Tropical Storm ‘Kristine’, “This would […]
-
PUNONG BARANGAY, PUWEDENG MAGDEKLARA NG LOCKDOWN
BINIGYAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang kapangyarihan ng mga Punong Barangay sa lungsod na magdeklara ng “lockdown” sa kani-kanilang nasasakupang lugar sakaling tumaas ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19. Sa ilalim ng Executive Order No. 12 na nilagdaan ni Domagoso, maaaring magdeklara ng lockdown sa kanilang lugar ang isang Punong […]