Landslide win ni Bongbong sa 2022 Presidential elections posible ayon sa isang online survey
- Published on October 22, 2021
- by @peoplesbalita
Sa kabila ng mga batikos na ibinabato sa kanya, lumilinaw ang tiyansa ni Presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na magtala ng landslide na panalo sa darating na 2022 elections ayon na rin sa resulta ng isang online survey na isinagawa ng isa sa mga pangunahing pahayagan sa bansa.
Nanguna si Marcos sa mga Presidential candidates sa Manila Bulletin (MB) Online Presidential Survey na ginawa sa Facebook mula Oktubre 15 hanggang 17. Tinalo ni Marcos ang iba pang mga Presidentiables gaya nila Isko Moreno at Leni Robredo.
Ayon sa datos Martes ng umaga, Nakopo ni Marcos ang 655,000 heart emojis, sumunod sa kanya si Robredo na may 216,000 care emojis at si Isko Moreno na nagsara sa pangatlong puwesto ng may 33,000 likes.
Umani ng 800,000 reactions mula sa mga netizens ang Facebook survey kung saan kailangan i-click ng mga respondents ang naka-assign na emoji para sa kanilang napupusuang kandidato.
Sa artikulong nilathala ng Manila Bulletin nitong Lunes, lumalabas na 73% ng mga respondents ay pinili si Marcos bilang Presidente. Higit na mas malaki ito sa naitala ni Robredo na 24% na mga boto. Samantala, si Domagoso ay pumangatlo at sinundan ng mga senador na sina ‘Bato’ Dela Rosa, Manny Pacquiao and Ping Lacson.
Nagsagawa rin ng kasabay na survey ang Bulletin sa Twitter at official website nito kung saan naungusan ni Robredo si Marcos ng bahagya. Subalit ang mga respondents sa mga naturang platforms ay higit na mas maliit kumpara sa mga nakilahok sa Facebook survey.
Nagtala lamang ng 10,500 respondents sa official website ng Bulletin at 43,300 naman sa official Twitter account nito. Kumpara sa 839,000 na respondents na sumali sa Facebook survey.
Bagaman halos pareho ang pagkakadisenyo sa survey ng Rappler, naging mas katanggap-tanggap sa mga netizens ang naging resulta ng online survey ng Manila Bulletin. Matatandaan na napilitang ibasura ng Rappler ang naunang survey nito matapos magreklamo ang mga netizens dahil nakita na karamihan ng mga bumoto para kay Robredo ay tunog-banyaga ang mga pangalan.
Umapela naman si Marcos sa kanyang mga tagasuporta nitong Lunes na wakasan na ang hate campaign laban sa Rappler. Aniya, dapat na bigyan ng panibagong pagkakataon ang Rappler na mahanap ang katapatan sa kanilang puso.
Nagbigay naman na kasiguraduhan ang Manila Bulletin sa publiko na hindi nito isasara ang survey at nagsabing ginagawa nila ito upang masukat ang sentimyento ng kanilang mga mambabasa sa kanilang mga online platforms. Dagdag pa nila, isasagawa nila ang nasabing survey kada buwan.
-
Ads March 7, 2020
-
2 barangay sa Navotas, isinailalim sa lockdown
ISINAILALIM sa dalawang linggong lockdown ang dalawang barangay sa Navotas City simula August 3 ng hating gabi hanggang 4am ng August 16 dahil sa mabilis na pagdami ng hawaan ng COVID-19. “Napilitan po tayong magpatupad ng lockdown sa Tanza 1 at Tanza 2 dahil sa mabilis na pagdami ng mga nahahawaan ng […]
-
LeBron, maaari nang maglaro matapos ang 8 negative COVID-19 results – NBA
Binigyan na ng “go signal” ng NBA (National Basketball Association) na muling makalaro ang basketball superstar na si LeBron James matapos magpakita ng walong negative results sa kanyang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) tests. Dahil dito, inaasahan na muling makakasama ng Los Angeles Lakers si LeBron sa laro bukas kontra sa mahigpit na karibal […]